
在手机上保存,获得更好体验
1st Verse:
Tagal narin pala
Nung huli tayong nag usap
Kamusta ka na kaya
Naaalala mo pa ba
Yung mga araw na
Sumumpa tayong walang bibitaw
Kung kaya't
Patuloy ko paring panghahawakan
Yung mga pangako mong binitiwan
Patuloy paring aasa
Na babalik ka...
Chorus:
Kahit di na tayo sana'y lagi mong tandaan
Di magbabago ang aking nararamdaman
Pinaglayo man tayo ng kapalarang kay pait
Hihintayin ko ang yong pagbabalik
Mamimiss kita..
2nd Verse:
Kamusta na tagal na din pala
Mula nung huli tayo na mag usap dalawa
Ako ganon parin tulad parin ng dati
Di parin makapaniwala sa mga nangyari
Na bigla kang sumuko ng ganon lang kadali
Gayong di ko alam ano ba ang nagawakong mali
Nag kulang ba ako sa pagpapahalaga
Kung kaya't naisipan mo na munang magpahinga
Pero kahit ganon hindi ako galit
Wala ako sayong naging sama ng luob kahit masakit
Di ko lang talaga matanggap na sa konting tampuhan
Yung mga pinagsamahan natin ay kinalumutan
Mo agad kaya pinasyang wag ka munang gambalahin
Baka sakaling magbago pa ang ihip ng hangin
Pero alam mo masakit sa lahat
Yung sinibukan mong hindi magparamdam pero walang nag hanap
Chorus:
Kahit di na tayo sana'y lagi mong tandaan
Di magbabago ang aking nararamdaman
Pinaglayo man tayo ng kapalarang kay pait
Hihintayin ko ang yong pagbabalik
Mamimiss kita..
3rd Verse:
Naging malupit man satin ang kapalaran
Di man tayo nagkaron ng maayos na hiwalayan
Dahil sadyang tadhana ang ating naging kalaban
Inilayo ka sakin ng di ko namamalayan
Pero kahit di na tayo lagi mo sanang isipin
Na ikaw at ikaw lang ang tangi kong iibigin
Sa puso ko kaylan man ay di ka mabubura
Marahil nangyari to upang ako ay mas matuto pa
Pero kung sakali mang makahanap ka ng iba
Masaya na rin ako kung saan ka mas sasaya
Dahil mula pa non ayun lang naman din ang hiling ko
Ang makita kang masaya kahit di na sa piling ko
Basta tandaan mo na ako'y nandito lang palaging
Nakaabang sa oras na iyong kailanganin
Nandito lang ako laging nag hihintay sayo
At isang tawag mo lang pangako darating ako