Frontliners-J-Black

Frontliners

歌手:J-Black

专辑:Kaganapan

时间:2022-03-27

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

1st Verse:

Anjan parin kayo patuloy na nag seserbisyo kahit

Alam nyong delikado ang nakaambang panganib

Upang magampanan tungkilin na sinumpaan

Bigat ng sitwasyon ay buong luob nyong ipinasan

Upang tulungan ating mga kababayang may sakit

Andyan kayo kahit maging buhay nyo man ang kapalit

Habang kami nasa tahanan lang kasama ang pamilya

Kayo ay di sigurado kung makakauwi pa

Napakarami paring pilipinong pasaway

kung kaya't marami narin sa inyo ang namatay

Habang kayo kalaban ang sakit na di makita kita

Andon parin sila sa kalsada pasiga siga

Sana naman tayong lahat ay magka isa

Nasa di mo pag labas maliligtas mo rin sila

Ayun na lamang po ang ating magiging ambag sa bayan

Upang maraming maligtas sa tyak na kamatayan

Chorus:

Kayo ang tunay na bayani na dapat parangalan

Tinataya ang buhay para sa aming kapakanan

Di matatawaran lahat ng inyong kabayanihan

Sana'y basbasan kayo ng dyos na makapangyarihan

Ito'y pasasalamat sa lahat ng sakripisyo

Kadakilaan na di matutumbasan ng piso

Maraming salamat sa tapat nyong pag seserbisyo

Kayo ang tunay na mga bayaning pilipino

2nd Verse:

Alam kong nasasabik na rin kayo sa pag uwi

Nag aasam na ang mga anak mayakap nyong muli

Sa halep na dapat kayo ang nasa tabi nila

Ay mas inuna nyo parin pangalagaan ang iba

Para na din sa kapakanan ng mas nakararami

Buong tapang nyong hinaharap ang mga nangyayari

Sa bigat ng responsibilidad na nakaatang

Maging pangungulila ay pilit nilalabanan

Saludo po ko sa inyong mga katatagan

Sana kahit pano sa awit na to'y mapagaan

Ang iyong mga kalooban na ngayon ay mas durog

Kabilang paa na sa hukay ay nakalubog

Maraming salamat sa lahat ng inyong pag sisikap

Matatapos din lahat lahat ng ating pag hihirap

Na labanan ang sakit na to na walang sinisino

Ang laban nyo ay laban nateng mga pilipino

Chorus 2x:

Kayo ang tunay na bayani na dapat parangalan

Tinataya ang buhay para sa aming kapakanan

Di matatawaran lahat ng inyong kabayanihan

Sana'y basbasan kayo ng dyos na makapangyarihan

Ito'y pasasalamat sa lahat ng sakripisyo

Kadakilaan na di matutumbasan ng piso

Maraming salamat sa tapat nyong pag seserbisyo

Kayo ang tunay na mga bayaning pilipino

展开显示全部歌词