1st Verse:
Ito ay kwento pangalan ay roberto
Rider delivery ang kanyang trabaho
May anak syang dalawa may kapansanan ang isa
Tanging sya nalang ang bumubuhay sa kanila
Kaya kahit na bumagyo handa sya na pumasok
Naglalakihang sasakyan hindi sya natatakot
Makipag siksikan basta ang order ay pumasok
Wag lang yung costomer sa kanya sumimangot
Dahil kapag nahuli sya ang magbabayad
Kahit na lumuhod may hindi nagpapatawad
Kalahating katawan sa impyerno nakasayad
Buhay ang kapalit pag hindi kami pinalad
Pag wala kayo wala kaming trabaho
Pero sana unawain kahit papaano
Sumagi sa isipan kami may halaga
Respeto at pagmamahal sa isa't isa
Chorus:
Tila ang isang paa'y nasa hukay
Ito ay para pamilya kong binubuhay
Sa bawat byahe ko ay di alintana ang
Pagod at panganib samin nakaabang
Kaganapang negatibo sana wag naman
Pamilyang umaasa na ligtas ako sa daan
2nd Verse:
Madalas tingin sa amin walang kwentang mga tao
Amoy araw madudunsing panget ang trabaho
Kaya kung mapagalitan para kaming mga aso
Lalo't pag merong kulang ang dala naming produkto
Kahit tama ang katwiran hindi ka mananalo
babagsakan ka ng pinto pag sumagot ka sigurado
Ml ka agad kahit minsan sila mali
Kahit pa nga madisgrasya sa kamamadali
Sana po maisip nyo meron saming nag aantay
Nakikipag sapalaran kung makakauwing buhay
Minsan pa nalilipasan pag ang order ay tumodo
Hindi ka makakain bawal mag reklamo
Pero di ko to sinabi para siraan kayo
Nais ko lang sana minsa unawain nyo
At sumagi sa isipan kami may halaga
Respeto at pag mamahal sa isa't isa
Chorus:
Tila ang isang paa'y nasa hukay
Ito ay para pamilya kong binubuhay
Sa bawat byahe ko ay di alintana ang
Pagod at panganib samin nakaabang
Kaganapang negatibo sana wag naman
Pamilyang umaasa na ligtas ako sa daan
Umaga pa lang ay laman na kami ng kalsada
Nagkakapalang mga usok ang aming kasama
Mahirap man kailangang makipag sapalaran
Upang ang sikmura ng pamilya koy magkalaman
Mga food delivery na lalong pinabilis
Pa ang serbisyo na di nyo na kailangang umalis
Magmamanehong walang takot kahit maplatan sila
Kinakatakot lang kapag ang order ay nakansila
Minsan susungitan pa at mumurahin ng sagad
Lalo na pag order ay hindi naihatid agad
Tapos di nyo na kukunin diba nakakapanghina
Kasalanan po ba kung masyadong mahaba ang pila
Mga rider na ang trabaho ay mag hatid
Ng pasahero upang sa traffic ay maitawid
Sa kakarampot na kusing ihahatid ka sa malayo
Tapos mag popost ka na sila ay mababaho ?
Di mo ba naisip na pareparehas lamang tayo
Para sa mahal sa buhay kailangan mag trabaho
Malubak man ang daan walang takot na sinusuong
Upang anak nilay hindi makaranas ng gutom
Kahit tila nasa hukay na ang kabilang paa
Pag mamahal sa trabahoy bakas sa kanilang mata
Sana sumagi sa isipan nyo silay may halaga
Respeto at pag mamahal sa isat isa
Chorus 2x:
Tila ang isang paa'y nasa hukay
Ito ay para pamilya kong binubuhay
Sa bawat byahe ko ay di alintana ang
Pagod at panganib samin nakaabang
Kaganapang negatibo sana wag naman
Pamilyang umaasa na ligtas ako sa daan