Magnanakaw-ASIN

Magnanakaw

歌手:ASIN

时间:2019-04-01

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Magnanakaw - ASIN

Ayon sa kasulatan ayon sa mga nakaraan

Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon

Tayong mga pilipino raw ay may ugaling magnanakaw

Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan

Ito kaya'y totoo ito kaya'y nangyayari

Ito kaya'y nangyayari noon nangyayari din kaya ngayon

Ito kaya'y dahil na rin sa ating katamaran

Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang

Tingnan mo ang iyong sarili suriin mo ang iyong ginagawa

Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala

Hindi nagpapapawis hindi lumuluha

Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa

Ang magnanakaw ay mapagsamantala

Magaling magkunwari madaling makilala

Balat kayong ginagamit kahit hindi sa pirata

Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya

May nagnanakaw ng oras talino at pawis

Pati ang galing kung minsa'y ninanakaw rin

Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin

Dahil na rin ba sa katamaran hahayaan na lang ba natin

Tingnan mo ang iyong sarili suriin mo ang 'yong ginagawa

Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala

Hindi nagpapapawis hindi lumuluha

Magnanakaw ng oras galing at pawis ng iba

Ang magnanakaw ay mapagsamantala

Magaling magkunwari madaling makilala

Balat kayong ginagamit kahit hindi sa pirata

Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya

展开显示全部歌词