Ang Bayan Kong Sinilangan (Cotabato)-ASIN
    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Ang Bayan Kong Sinilangan (Cotabato) - ASIN

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato

Kasing gulo ng tao

Kasing gulo ng mundo

Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo

Nagkagulo

Ang bayan ko sa Cotabato

Kasing gulo ng isip ko

Di alam saan nanggaling

Dialam saan patungo

Kapatid sa kapatid

Laman sa laman

Sila-sila ang naglalaban

Di ko alam ang dahilan ng gulo

Bakit nagkaganon

Ang sagot sa tanong ko

Bakit kayo nag away

Bakit kayo nagkagulo

Prinsipyo mo'y igagalang

Ko kung ako'y iyong nirespeto

Kung nagtulungan kayo

Di sana magulo ang bayan ko

Sa bayan kong sinilangan

Sa timog Cotabato

Ako ay namulat sa napakalaking gulo

Dahil walang respeto

Sa prinsipyo ng kapwa tao

Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo ang gulo

Ako'y nananawagan

Humihingi ng tulong n'yo

Kapayapaa'y bigyan ng daan

Kapayapaan sa bayan ko

Bakit kailangan pang maglaban

Magkapatid kayo sa dugo

Kailan kayo magkakasundo

Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko

Kung ako'y may maitutulong

Tutulong nang buong puso

Gitara ko'y aking inaalay

Kung magkagulo'y gamitin mo

Kung ang kalaba'y walang puso

Puso na rin ang gamitin mo

Ituring mong isang kaibigan

Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo

Sa bayan kong sinilangan

Sa timog Cotabato

Ako ay namulat

Sa napakalaking gulo

Dahil walang respeto

Sa prinsipyo ng kapwa tao

Kapwa Pilipino

Ay kinakalaban mo

Ang gulo

展开显示全部歌词