Misteryoso-Cup of Joe

Misteryoso

歌手:Cup of Joe

专辑:Misteryoso

时间:2024-05-17

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

O heto ka na naman

Umiiwas ng tingin

Laging nakatanaw sa mga tala’t

Nakadungaw sa bintana

Kailan mo ba magagawang

Italiwas sa dilim

Ang natatanging kagandahang

Nababalot ng hiwagang

Humalina sa akin

Kahit na ika’y hindi ko maintindihan

Nais masilayan ang iyong mga matang

Puno ng lihim at ng kislap

Mananatili na nga lang bang isang estranghero

O pagbibigyan ang puso kong

Natotorete sa ’yo

Hindi alam kung bakit ba ‘ko nabighani sa iyo

Hindi alam kung bakit ba gan’to kahit na alam kong

Mukhang wala rin naman itong patutunguhan

Kahit pa ilaan lahat ng oras sa ’yo

Hindi titigil hanggang

Ako na ang dahilan

Ng ‘yong ngiting misteryoso

O araw-araw na lang

Akong bumubulong sa hangin

Ilang awit pa ba ang isusulat

Wala na bang hangganan

Kailan mo ba mapapansin

Nais masilayan ang iyong mga matang

Puno ng lihim at ng kislap

Mananatili na nga lang bang isang estranghero

O pagbibigyan ang puso kong

Natotorete sa ’yo

Hindi alam kung bakit ba ‘ko nabighani sa iyo

Hindi alam kung bakit ba gan’to kahit na alam ko

Mukhang wala rin naman itong patutunguhan

Kahit pa ilaan lahat ng oras sa ’yo

Hindi titigil hanggang

Ako na ang dahilan

Ng ‘yong ngiting misteryoso

Mga mata’y nagkatagpo

Habang naglalaban ang hiwaga ng liwanag at ng dilim

Nang ‘yong biglang napagtanto

Na ikaw na rin pala ay narahuyo

‘Di maipaliwanag kung bakit nabighani sa iyo

Walang rason, walang pero

Basta ito ay totoo

‘Di akalaing makakapiling ko ang isang katulad mo

Tila isang engkantong laging hinahanap-hanap ko

O giliw tanging ikaw ang patutunguhan

Kahit pa salungat ang aking oras sa ’yo

‘Di makapaniwalang

Ako na ang dahilan

Ng ‘yong ngiting misteryoso

(Darum darararum)

Misteryoso

(Ohh ohh)

Misteryoso

展开显示全部歌词