
在手机上保存,获得更好体验
SY SILVA (CHORUS)
Bakit ba ganyan kana eehh
Laging galit gustong may makukuhang salapi
Laging galit dahil nilamon ka ng perang Malupit
Laging galit gustong may makukuhang salapi
DICE 1NE (1ST VERSE)
Mawalang galang na ano ba ang ulam
Baka maduwal ka lang sa unang
Tikim tiising mabulunan importante ay mapuno ang
Bulsa panakip sa utang pinakamabentang laman sa bulungan
Kalamesa serbesa pulutan
Mamaya pwede ka nang mapatungan
Hay nako lintek taglay mo'y makapanindeg
Balahibo kahit na ipain ang sarili mo basta't may mabingwit
Basa ko na galawang bitbit sa huling pahina ng tiktik
Dami nang ginatasan pero bakit sila pa yung nakaraming sipsip
Dati mama pengeng limang piso may ngiti sa simpleng bisyo
Ngayon sino ka na iho kung usapa'y di na libo
Mabilis pa sa ipo ipo sa singkit na nangamoy chiko
Kung may chikot walang intro intro kain ang imbotido
Di mo ba naisip yan napakadali mo lang tinitikman
Napanisan man ng mga nilawayan ay para ka lang putaheng iniinit lang
Mga matang tumirik dyan habang salapi ang iyong tinitingnan
May sisirit dyan basta't bibigyan
Kahit alam mong kadiri na pag ibig yan
SY SILVA (CHORUS)
Bakit ba ganyan kana eehh
Laging galit gustong may makukuhang salapi
Laging galit dahil nilamon ka ng perang Malupit
Laging galit gustong may makukuhang salapi
DICE 1NE (2ND VERSE)
Daming nasa likod ng maskara na halimaw na mapagsamantala
Mga silaw sa dala mong lampara pagdating ng araw iiwan ka pala
Dami na nyang kunubra sa kapal ng bulsa na ngay pakurba
Kapag salapi ang nasa gitna kahit katungga mo'y handa nya na ipatumba
Eto manahimik ka wala kang nakita nakapiring ka
Salapi ko lang ang magdidikta kahit pa katotohana'y ipilit nya
Nag iba ang ihip ng hangin pati na ang bihis nya
Mga putik sa mga paa'y nawala pero nasa pagkatao na ang dungis nya
Ekis ka kapag sayo'y wala nang mahita pa
Solian na ng apoy kapag wala na ugaling nangangamoy kapag nakilala
Parang bangka na pinapaikutan ng mga buwaya
May mga abutan at bulungan para palubugin ang iyong mga baraha
Kada papel na asul ang kulay dyan mo sila makikilalang tunay
Sila yung mga maamong tupang kayang patubuin ang mahabang sungay
Kahit pa na busugin di na umay handang lunukin ang lahat para bulsya'y
madali na punuin akala mo ba'y papakinabangan mo paren sa hukay
SY SILVA (CHORUS)
Bakit ba ganyan kana eehh
Laging galit gustong may makukuhang salape
Laging galit dahil nilamon ka ng perang Malupit
Laging galit gustong may makukuhang salape
SY SILVA (REPEAT CHORUS)
Bakit ba ganyan kana eehh
Laging galit gustong may makukuhang salape
Laging galit dahil nilamon ka ng perang Malupit
Laging galit gustong may makukuhang salape