Kalye (Explicit)-Dice 1ne

Kalye (Explicit)

歌手:Dice 1ne

时间:2022-08-26

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

DICE 1NE (1ST VERSE)

Ang buhay kung minsan ay hindi parang palikulka

Kung minsan ang gusto mong larawan ay di mo mapinta

Madalas hamakin ng mga mapangmata

Kung sino ka pinagdadaan nga ba ay alam nila

Na yung iba ay kapos lang sa pang matrikula

Wala lang mapasukan dahil diploma'y wala sila

Habang nag hihintay, diskarteng kalye muna

Pagsaluhan muna ang kurot sa dambuhalang tuna

Nasa lata habang nasa kalagitnaan ng plano

Bukas makalawa'y makasakay ng eroplano

Sa tambayan ay nagsimulang mangarap at magplano

Balang araw kami aabangan nyo sa entablado

Mainit sa pinas kapag walang kisame ay bahay

Mas mahangin sa labas kaya mas okay nang tumambay

Nangangarap nang nakangiti sa hirap ng buhay

Eto'y kalye ng pinas laro ay matira matibay

BJ PROWEL (CHORUS)

Huwag kang malungkot lagyan ng ngiti ang mga labi

Huwag kang magmukmok isipin mo na laging

Meron din katulad mong handa ka na samahan

Mga katulad mong hinding hindi ka iiwanan

Kayat halika na at sumama ka dito saaming KALYE

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh ehh

Dito saaming Kalye

DICE 1NE (2ND VERSE)

Nakatingin sa mga sasakyan sa kalye

Paano kang babyahe kung wala namang pamasahe

Paanong makakalipad kung wala kang pasaporte

Simentado ang syudad mahirap ang mangamote

Alam kong paraan ngunit mahirap ang tiyempo

Mahirap galawan wala nang libre sa sentro

Paano mapapalitan ang tinapa ng liyempo

Ngitian mo nalang muna kung wala pang rimedyo

Dahil ang reyalidad talo ang pikon sa buhay

Walang maitutulong ang pagmumukmok sa bahay

Samasama muna kami ng mga tropa kong tunay

At sabay sabay mangarap na buhay ay magkakulay

Ganyan talaga ang buhay may mga yugto

Kung minsan sa bagal ng usad ay napapahinto

Basta't iwasan mo lang na sa mali mapaliko

Ikay uusad at mararating mo rin ang pinto

BJ PROWEL (CHORUS)

Huwag kang malungkot lagyan ng ngiti ang mga labi

Huwag kang magmukmok isipin mo na laging

Meron din katulad mong handa ka na samahan

Mga katulad mong hinding hindi ka iiwanan

Kayat halika na at sumama ka dito saaming KALYE

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh ehh

Dito saaming Kalye

DICE 1NE (3RD VERSE)

Hindi naman ibig sabihin habang buhay ganto lang

Kung minsan may mga pagsubok na kay hiyap lampasan

Dahil ang kalye ay hindi lang basta daanan

Tahanan din to ng mga may pinagdadaanan

Ang dami kong natutunang di tinuro sa eskwela

Kung panu ngumiti sa likod ng mga problema

Natraffic lang kame ngunit hindi kame tumengga

Balang araw ay mag iiba din kame ng sistema

Sa aking byahe sa buhay minsan na akong nasiraan

Nang mawalay sakin ang lahat ng tinuring kong yaman

Sa tambayan dinamayan inakay nung napilayan

Hanggang saaking pag abante ay muli kong nasilayan

Akoy naging ma malakas sa kahapon

Ang bawat napulot kong aral ay hindi ko itinapon

Dambuhalang alon man ang lumamon ikay umahon

Ang minsan nating pagkahinto ay isa lang hamon

BJ PROWEL (CHORUS)

Huwag kang malungkot lagyan ng ngiti ang mga labi

Huwag kang magmukmok isipin mo na laging

Meron din katulad mong handa ka na samahan

Mga katulad mong hinding hindi ka iiwanan

Kayat halika na at sumama ka dito saaming KALYE

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh eehhh

Ehh ehh ehh

Dito saaming Kalye

BJ PROWEL (REPEAT CHORUS)

展开显示全部歌词