O, ano ang iyong naririnig sa tuwing ang apoy ay bunubulong sayo
Kanya kanyang tulak ng daliri sa kung sino daw ang pasimuno ng gulo
Di ko malaman kung saan pa ligtas na buwagin ang totoo sa palabas
Bukas, bukas sa paghahanap, para sa lahat muling bababa
(Chorus)
Ang langit sa mundo ay hindi pa rin malayo
Kaibigan, tinatawag kita, bitawan ang pasan at itawid mo ang daan
Tingnan mo ang iyong sarili, sino ka na nga ba para humarap
Ang salita ay di na naririnig, nabubuhay ba?
Ang tanging pangako na hindi nagdidilim, pag-asa sa araw ng pagbabalik
Bukas, bukas maghihintay nalang, dahil walang iba, tanging pangarap lang
(repeat chorus)
O, ano ang iyong naririnig
O, ano ang iyong naririnig
(repeat chorus)
Bitawan ang pasan at ituwid mo ang daan.