A God (Explicit)-Ghetto Gecko

A God (Explicit)

歌手:Ghetto Gecko

时间:2022-05-13

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Di ako dito nanggaling, di ako dito nanggaling

Doon pa ko nanggaling, doon sa malayo

Di kaya ng byahe maghapon ang hirap bumangon, sarili nilamon ang daming tukso pati hamon

Hindi na ko bata, hindi na to gaya kahapon

Daming nakakita sa labas kung paano lumakas uh huh

Dahan dahan tumaas ang balahibo ng mga nakangiti noon, di ako umasa sa panginoon

Gawa ko to mula noon hanggang ngayon

Madami dami na rin yung mga nabaon, mga ala ala at pagkakataon, mga nakalaban ko lahat upos (woah)

Daming halimaw, nagtakbuhan saking ilaw

Di pa malinaw, kung saan ba ito mauuwi

Dapat araw araw na lumulupet, sabayan ang buhay na kumukulet

Minsan ay makulay minsan mapait, lahat ay nasanay nalang sa sakit woah

Gustong maglibot, gusto kong lumipad

Gusto kong yumaman bago umedad

Gusto kong makuha lahat ng gusto ko at kailangan mangyari agad (mangyari agad), mangyari agad (mangyari agad)

Gustong maglibot, gusto kong lumipad

Gusto kong yumaman bago umedad

Gusto kong makuha lahat ng gusto ko at kailangan mangyari agad (mangyari agad), mangyari agad (mangyari agad)

Pagusapan nalang yan doon sa ulap (yeah)

Wakasan tuldikan ang pangungusap (yeah)

Pakitaan ng resulta nang magulat, di ko kailangan makasugat (skrrt)

Di to sanggol na may lungad, problema lang din ay yung bukas

Parang may sakit na sa sobrang lupet, wala na tong lunas

Sa pawis halik ang pamunas, sa pagod ngiti medisina

Kung gustong sumilip halika, wag magpadala dyan sa bali-balita

Dati ay tulog mantika, ginising sarili bulabog tahimik kong diwa

Nabuhay ang gamit tinta, utak pati ang dila

Akala mo siga, hindi mo nakitang humina

Itim na ulap nagpapaulan ay hindi tumitila

Tabi ka ma pag narinig mo na aking busina

Gutom lang palagi buong mundo aking kusina, gutom lang palagi buong mundo aking kusina (yeah)

Gustong maglibot, gusto kong lumipad

Gusto kong yumaman bago umedad

Gusto kong makuha lahat ng gusto ko at kailangan mangyari agad (mangyari agad), mangyari agad (mangyari agad)

Gustong maglibot, gusto kong lumipad

Gusto kong yumaman bago umedad

Gusto kong makuha lahat ng gusto ko at kailangan mangyari agad (mangyari agad), mangyari agad (mangyari agad)

展开显示全部歌词