Gabi ang saksi sa ating lihim na tinginan
Mainit ang hangin, unti-unting lumaban
Hinila mo ako sa dilim
At doon ako mas kumikinang
Hawakan mo, dahan-dahan
Pintig ko'y sumasabay sa'yong kamay
Kumikinang ako, sa ilalim ng anino
Parang diyamante sa dilim ng kwarto
Dahan-dahang bumababa
Hanggang sa puso mo'y madama
Kumikinang, kumikislot
Ang gabi'y umiikot sa'yo
Bulong mo sa tenga, apoy sa aking laman
Sumasayaw ang anino, katawan natin magkadikit
Hindi ko na kailangan ang liwanag
Pagkat sa dilim, ako ang iyong kilabot
Sa ilalim ng buwan, 'di tayo mawawala
Lakbay ng kamay mo, dito ka lang
Sa dilim ako'y lalong sumisigla
Parang alon sa dagat umaakyat sa dibdib, habang tumatagal mas lalomgsimisikip, may init na di kayang patayin ng lamig, kahit bukas ang bintana kulob ang silid, parang ulan sa lupa isa isa ang patak, walang minadali bawat segundo ay sukat, araw at gabi sa iisang yugto, kapag nagsanib tahimik ang gulo, likas ang galaw walang iniimbento sa ilalim ng isip may gusto na mag laho, hindi kailangan ng ilaw o mata, dahil sa dilim mas totoo ang taya, kung itanong man nila kung ano to talaga, sabihin na lang bahagi ito ng tadhana , ngunit alam natin sa ilalim ng tono may appy na ayaw ng huminto, sa loob.
Sa ilalim ng buwan, 'di tayo mawawala
Lakbay ng kamay mo, dito ka lang
Sa dilim ako'y lalong sumisigla
Kumikinang ako, sa ilalim ng anino
Parang diyamante sa dilim ng kwarto
Dahan-dahang bumababa
Hanggang sa puso mo'y madama
Kumikinang, kumikislot
Ang gabi'y umiikot sa'yo
Kumikinang ako sa ilalim ng anino
Parang diyamante na hindi mapipito
Lumiliyab ang bawat hinga
Sa dilim, tayong dalawa
Kumikinang mas madilim mas matindi