在手机上保存,获得更好体验
Chorus:
Pano kung hindi?
Hindi nakilala edi sana ako ay masaya oh masaya pa
Mga butil ng luha ay tumutulo edi sana ‘di na nagsayang oh nagsayang pa
1st Verse
Sabihin mo sa akin kung wala na
Ako ay aalis na
Kahit pa namimiss ka
Bakit sinayang ang oras at tayo'y nagpawis pa?
At naniwala sa iyong matamis na salita
Kailangang matiis at lumihis
Makalimutan ka ng mabilis nagbibihis ang katauhan
At dumadaplis ang
Mga sugat namumulat
Sa’king pusong may lamat at
parang ballpen nakasulat
Bakit ‘di nagulat?
Na unti-unting naglaho ang nararamdaman
Mga bagay binaon sa limot ng nakaraan
Mga pinagsamahan ay pinagsawaan
Ngayon ay walang pake sa lahat ng pinagsaluhan
Pre- Chorus
Kahit ‘di na naglalaan ng oras
Pinili kong lumipas hanggang sa ikaw nang kumalas
Chorus:
Pano kung hindi?
Hindi nakilala edi sana ako ay masaya oh masaya pa
Mga butil ng luha ay tumutulo edi sana ‘di na nagsayang oh nagsayang pa
2nd Verse
Pinadanas ang sakit na ‘di mawala kahit pumikit
Sadyang mabigat itong bitbit parang usok hinihithit
Mga tinik sa lalamunan ay sumasabit
Sa patalim ay tila ba ako'y kumakapit
Nakampante na kasamang aabante
Ngunit anong nangyari?
Nagkaron ng mga bakante
Andaya lang bakit nagiwan ka ng mga bagahe
Ngayon ako'y nahihirapang kalimutan ang dati
Sana’y sinabi mo na noon pa nang naghanda
Pano makakawala? kung wala gusto kong magwala
Ngayon sabihin mo sa akin anong napala?
at sa damdaming wawasakin lang pala
Pre- Chorus
Kahit ‘di na naglalaan ng oras
pinili kong lumipas hanggang sa ikaw nang kumalas
Chorus:
Pano kung hindi?
Hindi nakilala edi sana ako ay masaya oh masaya pa
Mga butil ng luha ay tumutulo edi sana ‘di na nagsayang oh nagsayang pa
Bridge:
Unti-unting naglalaho ang kislap sa mga mata
Unti-unting nagbabago handa nang palayain ka
Kahit sa mga katanungang makakaya ko ba?
Maghihintay nalang na sumuko ng kusa
3rd Verse
Ako’y handa nang iwanan ating nakaraan
Sana’y maging masaya ka sayong pupuntahan
Sa naranasan ay palagi kong tatandaan lahat ng kasiyahan ay meron palang katapusan