Kaharian-Jimmy Bondoc
    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Kaharian - Jimmy Bondoc

Habambuhay ka nang hinihintay

Ng puso kong hindi mapalagay

Habambuhay ka nang hinanap

Pangarap sa mundong mapagpanggap

At kung ialok sa 'yo ang puso kong

Bihirang magmahal

Tatanggapin mo ba o tatanggihan mo ba

H'wag mo sana

Kong iwanan sa pag—aalinlangan

Buong puso ko nang inaalay

Ang sari-sari kong mga kulay

Buong puso ko nang hinaharap

Ang pagsuyo kong walang kasing ganap

At kung ika'y pilay gamitin mo akong saklay

Na aalalalayan ka

Aakbayan kita

Pagbigyan mo ang pusong

Nabighani sa yong ganda

Sinumpa ko sa sariling

Hinding-hindi manliligaw

Kahit na sino mang prinsesa

Mundo man ay magunaw

Ngunit ikaw ang reyna ng aking panagimpan

Maari bang hiranging hari ng iyong Kaharian

Panalangin ko sa gabi-gabi

Puso mo't puso ko'y magkatabi

Panalangin ko sa araw-araw

Mula sa 'ki'y hindi ka maagaw

At kapag ika'y mahulog

Sa 'kin dumulog

Sasaluhin kita

Kakandungin ka pa

'Wag mo nang iwasang tayo'y para sa isa't-isa

展开显示全部歌词