marilag-Yuan Hernandez

marilag

专辑:marilag

时间:2025-10-31

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

ngingiti na lang, hawak ang iyong kamay,

biglang tumigil ang mundo.

pagkabilang ng isa, dalawa, tatlo,

nabihag mo na itong puso.

at kahit mundo man ay pumangit,

hindi na matitinag, taglay mong ganda

at kahit ang araw ay sumungit,

makita lang ang kulay ng iyong mga mata, ayos na.

marilag, lagi sa panaginip

lagi kang nasa isip

'di na mawawala, ahhh

dumudungaw ang lambing ng iyong ngiti,

tala ang saksi at tugon.

araw-araw kang aking kakantahan,

sumayaw sa indak nitong puso.

at bukas, sabay na ring kukupas

lungkot na iyong tinago sa lalim ng gabi

at dahil mahal kita nang labis,

hindi na mapipilit na ika'y lumisan pa, oh, wag na.

marilag, lagi sa panaginip

lagi kang nasa isip

di na mawawala, ahhh

marilag, tamis ng iyong ngiti

'wag nang aalis

'wag nang mawawala, ahhh

at sa bawat segundong nar'yan ang pangamba,

pangakong hinding-hindi ka mag-iisa.

andito lang ako't palaging aalalay sa'yo, sinta

at kahit na hindi ka laging nasisilayan,

hindi na magmamaliw ang nararamdaman.

sumpa kong ang puso ko'y sa'yong sa'yo lamang.

marilag, lagi sa panaginip

lagi kang nasa isip

di na mawawala, ahhh

marilag, tamis ng iyong ngiti

'wag nang aalis

'wag nang mawawala, ahhh

marilag, marilag

marilag, marilag, ahhh

ngingiti na lang, hawak ang iyong kamay,

biglang titigil ang mundo, oh.

展开显示全部歌词