Noon At Ngayon (Original Movie Soundtrack from

Noon At Ngayon (Original Movie Soundtrack from"Ang Pinakamasarap Na Pares Sa Balat Ng Lupa")

歌手:Blakdyak

时间:2026-09-09

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Lo, mabuti pa kayo ni lola

Namulat sa matitinong uso

Lo, kahit baduy kayong pumorma

Kay lola ikaw lang ang nauna

Nung unang panahon ang babae kung manamit

Para silang suman halos wala kang masilip

At kung lumakad ay parang patong kumekendeng

Kung susuriin mo'y kagalang-galang ang dating

Lo, mabuti pa kayo ni lola

Namulat sa matitinong uso

Lo, kahit baduy kayong pumorma

Kay lola ikaw lang ang nauna

Ngayon naman kung manamit ibang kababaihan

Halos kita mo na pati kanilang kaluluwa

Kaya tuloy manyakis ay laging nag-aabang

Kinabukasan ay laman ka ng pahayagan

Lo, bakit ang buhay ngayon

Kabataa'y unti-unting nalululong

Sa masasamang estilo

Lola tulungan n'yo naman sila

Nung unang panahon ang lalaki kung manligaw

Nanghaharana pa o kaya'y naninilbihan

At kung gustong bumingo o kaya'y makasiguro

Hahawak sa kamay tiyak kasalan na iyan

Lo, mabuti pa kayo ni lola

Namulat sa matitinong uso

Lo, kahit baduy kayong pumorma

Kay lola ikaw lang ang nauna

Ito naman ngayon ang gimik ng kalalakihan

Disente ang dating pero manyakis din naman

At kung manligaw ay ayaw nang natatagalan

Dahil katwiran ay marami pa naman diyan

Lo, mabuti pa kayo ni lola

Namulat sa matitinong uso

Lo, kahit baduy kayong pumorma

Kay lola ikaw lang ang nauna

Lo, mabuti pa kayo ni lola

Namulat sa matitinong uso

Lo, kahit baduy kayong pumorma

Kay lola ikaw lang ang nauna

展开显示全部歌词