
在手机上保存,获得更好体验
Yo ako nga pala si Joseph Tipay
Lumaki sa Sumilang, Pasig
At owner ng Undrafted
Sa mga di nakakaalam sa Undrafted
Clothing line yon na sinumulan ko nung 2017
Na pang extra income habang nagtatrabaho
Mahilig kasi ako magdesign, magbasketball, makinig ng hip-hop
Kaya pinagsama ko siya as tema ng brand
Pero sinong magaakala na yung ganong tema pala ay sisikat?
Pero halos lahat naman ganon eh
Tuwing may mangyayari lagi mong tatanungin sarili mo
Sinong magaakala ‘di ba?
Pero isa lang din naman ang lalabas sa tanong na sino
Sino nga ba?
Walang ibang sagot diyan man kundi yung sarili mo
Sarili mo lang yung unang dapat maniwala sa mga gagawin mong plano
Sa sarili mo yon maguumpisa
Tulad ko sinong magaakala?
Na yung pagpapatatak ko ng area code ng 1600 sa damit
Tatatak sa isip at gagamitin din ng karamihan sa Pasig
Sinong magaakala na yung dating Sari-sari store na ginagamit naming sampayan ng damit
Magiging bahay ng 1600 na shop
Sinong magaakala na yung mga idol kong rappers, kapwa brand owners
Makakainuman ko sa bar na pinatayo namin
Sinong magaakala na yung sinusundan ko lang ng yapak noong naguumpisa ako
Makakatrabaho ko sa iba’t ibang project ‘di ba?
Sinong magaakala na yung extra sa extra income dun sa binuo mong brand
Eh hindi pala pera ibig sabihin
Yung extra pala na yon,
Ikaw naman pala yung tutulong makabuo ng pangarap
Ng mga starting artists, brand owners ng pasig
Para saan? Para may maiiwan kang tatatak di lang sa damit
Pati sa puso, isip tapos lugar na din ng Pasig