
在手机上保存,获得更好体验
Ganyan Talaga (feat. Vlync) - Abaddon/Vlyn
Sawang sawa ka na ba
Sa araw araw na nangyayare
Badtrip palage't walang chickas na madale
Mamanis manis na sardinas sa kawale
Laging ulam sa tanghaling
Madalas pang may kahate
Hay ang buhay nga naman
Hulog sa hukay pag
'La kang husay at sungay na halang
Ayos lang naman kung minsan susunod ka lang
Pero dapat mas madalas ikaw ay nakikialam
Kung gusto mong magkatropa
Wag kang masyadong mayabang
Magtiyaga ka lang kung di ka naging anak mayaman
Darating sa buhay mong maging tampulan ng tawanan
Dahil sa mga bagay na gusto mong mapatunayan
Magtanim ka na ngayon
Magtanim ng magtanim
Para balang araw merong aanihin
Kelangan mong kumilos upang bukas
Ay merong kang kakainin
Ganyan talaga ang buhay
Kelangan mong kumilos
Matotung kang masanay
Ganyan talaga
Ganyan talaga
Ganyan talaga
Ganyan talaga ang buhay
Kung wla kang pampagulong
Magtiis sa usok
Matutong tumiklop pag maiksi ang kumot
Sa panahon ngayon basura na lang ang napupulot
Kaya ipunin ang bawat barya na madudukot
Wag kang magmalinis at mainis
Kung mabilis
Kumalat ang mga chismis at maling storya
Kung pitaka mo ay manipis magtiis
Wag ka muna sa libis
Dun ka muna sa greenhills at divisoria
Minsan balanse
Minsan ay alanganin
Minsan nasa ibabaw
Minsan nasa ilalim
Ganyan ang buhay
Dumarating talaga ang panahong
Nakakasawa na at nakakaumay
Maglaslas o di kayay magbigte
Magpakalasing at magpaka solve sa sinde
Kapag nakakabaliw na at nakakarinde
Yan nga ba ang solusyon sa problemang matinde
Ganyan talaga ang buhay
Kelangan mong kumilos
Matuto kang masanay
Ganyan talaga
Ganyan talaga
Ganyan talaga
Ganyan talaga ang buhay
Tanggapin mo na lang
Ang walang kwentang katotohanang
Kapag wala kang pera wala kang kaibigan
Mga tropang kasama mo lang sa kasiyahan
Pero di mo na maaasahan pag nagkagipitan
Palagi ka mang napapagalitan
Sa bahay lagi ka na lang napag iinitan
Ikaw man o sila ang may kasalanan
Sa huli magulang mo parin ang yong lalapitan
Kahit ang mga taong may kabaitan
Hahanap ng patalim na pwedeng makapitan
Respeto at tiwala'y wag bigay ng madalian
Dahil ang karamihan ay walang hiya sa malapitan
Ganyan na ang buhay ngayon kaibigan
Higupin mo na lang parang sabaw ng papaitan
Kung ayaw mong ikilos
Itulog mo na lang
Magandang bukas ay baka sakaling mapanaginipan
Tanggapin mo na ang katotohanan
Ganyan talaga ang buhay kaibigan
Kung ayaw mong magsikap
Ay matulog ka na lang
Matulog ka na lang
Matulog ka na lang
Matulog ka na lang
Ganyan talaga ang buhay
Kaylangan mong kumilos
Matuto kang masanay
Ganyan talaga ganyan talaga
Ganyan talaga ganyan talaga
Ganyan talaga ganyan talaga