Walang Hanggan-Quest

Walang Hanggan

歌手:Quest

时间:2016-05-20

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Walang Hanggan - Quest

Written by:Jose

Gulong gulo ang puso

Saan ba 'to patungo

Di ko alam di ko alam

Hinarap lahat ng balakid

Pero bakit walang kapit

Ang mga pangakong binitawan

Di ko alam di ko alam

Noong ika'y nilalamig ako'y iyong init

Kapag takot sa bukas ako'ng unang sisilip

Ginawa ko na ang lahat

Di pa din sapat kasi ika'y mawawala na

Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig 'yong dating nagbabaga

Kung maibabalik lang sana

Titiisin ko na kahit paulit-ulit

Tapos pipilitin ko na di maulit

Ang masulyapan mo yung dulo

Akala ko walang hanggan pero may dulo

Bawat segundo sa aking puso iuukit

Lahat ng alaala aking iguguhit

Para makalimutan mong may dulo

Ang sabi mo walang hanggan pero eto tayo

Sa dulo

Kailan ka ba napaso

Nanlalamig na ang iyong braso

Bakit ganyan bakit ganyan

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit

Saan galing ang galit

Mayroon bang nang-aakit

Kailangan ko lang malinawan

Bakit ganyan bakit ganyan

Handang panindigan lahat ng ating plano

Sigurado kahit di kabisado

Gagawin ko ang lahat

Walang pake kung di sapat

Kasi ikaw ay mawawala na

Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig iyong dating nagbabaga

Kung maibabalik lang sana

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit

Ngingiti sa likod ng luhang pumunit

Baka masulyapan mo yung dulo

Kasi sabi mo walang hanggan

Ba't merong dulo

Ibibigay ko ang lahat paulit ulit

Bawat pagkakataon ay aking isusulit

Basta matalikuran mo yung dulo

Ang sabi mo walang hanggan

Ba't na'ndito tayo sa dulo

Oh ohhh

Sa dulo

Oh oh ohhh

'Wag ka munang tumalikod

Bumalik ka muna dito

Padampi kahit anino

Ayokong mag-isa dito

Wala na bang bisa aking dalangin

Tinataboy na ba ng langit

Nakikiusap na lang sa hangin

Ngayon wala ka na sa akin

Ohhh

Bakit ba biglang meron tayong dulo

Pangako mo walang hanggan

Bakit nandiyan ka sa dulo

Pwede bang kalimutan mong may dulo

Handa 'ko sa walang hanggan

Pangako mo walang hanggan

Akala ko walang hanggan

Pero eto tayo sa dulo

Kung ika'y mawawala sa aking piling

Dinggin mo aking bilin

Lingon ka lang paminsan minsan

Dito lang ako

Di ako lilisan

Sa aking dulo di ako lilisan

展开显示全部歌词