
在手机上保存,获得更好体验
INTRO (LOONIE):
Sa tuwing lagay ay alanganin, ang dalangin sa Ama: Katatagan para tanggapin ang mga bagay na di na maiiba pa At katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa
CHORUS (DONNALYN):
Sinusubukan ko naman na kumalma Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan
VERSE 1 (LOONIE):
Nanghahatak pababa ang alimango sa timba Kapwa kababayan itatrato kang iba (iba) Imbis na itaas ka ibabash ka pa nila
Tapos biglang magiging fans pag international ka na (wow!)
Wag mo na lang pansinin para di ka naaannoy Naiinis, nababaliw, napaparanoid
Kapag pinatulan mo ang stupidong lasing na nagmamaoy Parang sinabuyan mo ng tubig ang mantikang nagaapoy
Handa na boy?
Maraming sasalubong sa daluyong Mga dudong na akala mo marurunong
Panay gusto lang ay tensyon para maugong
Mga patay-gutom sa atensyon dapat pinapatay sa gutom
CHORUS (DONNALYN):
Sinusubukan ko naman na kumalma Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan
VERSE 2 (LOONIE):
Sa panahon ng internet, uso ang pamumuna Di pwedeng laging init ng ulo ang nauuna Bago ka magsisi sa dulo dapat matuto kang Maging payapa ang isip, ang puso, at kaluluwa
Maraming magpapapansin para lang makatabi Dapat wala kang pake, magpakalalaki ka pre Hayaan mo sila wag ka na lang gumanti
Kalaban nya sarili nya ‘wag mong bigyang kakampi At hindi ka lang sisiraan, sisirain talaga,
Hihilahin pababa, titirahin sa kanta
Di na dapat ginawa, pinangalandakan pa
Ita-tag pangalan mo para itatag pangalan niya
Kaya pag nagagalit, ang dalangin sa Ama:
Katatagan para tanggapin ang mga bagay na di na maiiba pa At katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa
CHORUS (DONNALYN):
Sinusubukan ko naman na kumalma Pero ba't ganon?
Nagsikalat mga ubod ng tanga Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman Talagang susubukan ka
Pero di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan
OUTRO (KV & DONNA):
Di na para lumaban pa
Wala sa diksiyunaryo ko na bumaba-ba-ba Dekalidad mo hindi na para patulan pa
Di na para lumaban pa
Wala sa diksiyunaryo ko na bumaba-ba-ba Dekalidad mo hindi na para patulan pa