Sa sandaling parang hindi mo na alam kung saan ka pupunta tila naliligaw na
Ako ang, ako ang magsisilbing mapa ituturo ko sayo ang liwanag
Kahit na tila nauubusan na ng sagot ang lahat
Asahan mong mayroon pa rin
Nakaabang na bukas
Magliliwanag din ang kalangitan,
Mapapatila rin ang ulan,
Pagsikat ng araw
Muli mong matatanaw
Ang kislap ng pag-asa
May bagong simula
Sa sandaling ang bukang-liwayway mo'y lumalabo na
Tila di nakikita
Ako ang antipara mo at hindi ko hahayaang mawala
Iyong pag-asa
At kahit na tila nauubusan na ng sagot ang lahat
Asahan mong mayroon pa rin
Nakaabang na bukas
Magliliwanag din ang kalangitan,
Mapapatila rin ang ulan,
Pagsikat ng araw
Muli mong matatanaw
Ang kislap ng pag-asa
May bagong simula
May bagong simula
At kahit na tila nauubusan na ng sagot ang lahat
Asahan mong mayroon pa rin
Nakaabang na bukas
Magliliwanag din ang kalangitan,
Mapapatila rin ang ulan,
Pagsikat ng araw
Muli mong matatanaw
Ang kislap ng pag-asa
May bagong simula
May bagong simula