Minsan ako ay nahulog na
Sa isang kaibigan na may simpleng mukha
Nagdarama pinatawa ka
Sa isang idlap lang may kasamang iba
Wala na ‘kong gana
Hindi inakala
Sabay maghahanap ng sinag sa iyong mata
Ilang hakbang patungo sa iyong mga mata
Walang hanggang katapusan
Na hindi makawala
Parang nakalutang
Nananaginip lang
At sundan na lang mga tala
Hanggang lumisan na
Naaalala mo pa ba
Inaya kita manood ng sine
Ngunit ‘di ka nagpakita
Ang sabi mo lang ay may lagnat ka
Pero nakita ka
Hindi inakala
Nakangiti ka pa
May kasama lang na iba
Ilang hakbang patungo sa iyong mga mata
Walang hanggang katapusan
Na hindi makawala
Parang nakalutang
Nananaginip lang
At sundan na lang mga tala
Hanggang lumisan na
Turuan mong kalimutan ka
Para lang ako ay lumisan na
Tingnan mo lang aking mata
At sabay tayong magdarama
Ilang hakbang patungo sa iyong mga mata
Walang hanggang katapusan
Na hindi makawala
Parang nakalutang
Nananaginip lang
At sundan na lang mga tala
Hanggang lumisan na
Ilang hakbang patungo sa iyong mga mata
Walang hanggang katapusan
Na hindi makawala
‘Di makawala…