Pitet-JÅEL

Pitet

歌手:JÅEL

时间:2026-01-12

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Verse 1

Sa unang salubong, amoy tsaa ang umaga

Matcha sa labi mo, mapait pero tama

Ngiti mong kalmado, parang walang mali

Ako’y nahulog kahit pinigilan ko ang sarili

Mahilig ka sa tahimik, sa usapang totoo

Sa mga tanong na walang tamang sagot

Mahaba man o maikli ang buhok mo sa salamin

May pinta man o wala, maganda ka pa rin

Pre-Chorus

Sa bawat titig mo, may pagitan

Parang kwento mong di ko mahulaan

Pinili kong intindihin, ‘wag na lang pag-usapan

Kasi mahal kita sa paraang kayang iparamdam

Chorus

Kutis makopa, ‘di mo kailangang hubarin

Sa titig pa lang, gusto kong may mangyari sa’tin

Oh aking prinsesa na nakaupo sa tasa

Babae rin pala ang ninanasa

Mahal pa rin kita, kahit mas mahal mo si Eva

Kahit hati ang mundo mo, buo pa rin ang tema

Verse 2

Hindi kita ikukulong sa salitang “dapat”

Di kita pipigilan kung saan ka sasapat

Kung ang pag-ibig mo’y may dalawang direksyon

Hindi kasalanan ang marunong magmahal nang ganon

Chorus

Kutis makopa, ‘di mo kailangang hubarin

Sa titig pa lang, gusto kong may mangyari sa’tin

Oh aking prinsesa na nakaupo sa tasa

Babae rin pala ang ninanasa

Mahal pa rin kita, kahit mas mahal mo si Eva

Kahit hati ang mundo mo, buo pa rin ang tema

Bridge

Sa huli mo sinabi, walang drama

Walang luha, walang sala

Sabi mo, “Ganito lang ako magmahal”

Hindi lang sa isang anyo kumakapit ang damdamin ko pala

Doon ko naintindihan

Bakit di buo ang yakap

Hindi ako kulang

Hindi lang pala ako ang hinahanap

Sa huli, natutunan

Na hindi lahat ng babae

Ay para sa lalaki

At hindi lahat ng gusto

Ay para sa’yo

Outro

Kung sakaling magtagpo sa ibang umaga

Sa ibang tasa, sa ibang tadhana

Ngiti mo’y mananatili sa alaala

展开显示全部歌词