Akin ay akin-Sheed

Akin ay akin

歌手:Sheed

专辑:Akin ay akin

时间:2024-09-20

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Ang akin ay akin sino man ang pahawakin, walang may kayang buhatin

Ang akin ay akin andito pa rin sakaling dumating sa alanganin

Walang inaksaya masaya sa nagiging pagpapasya

Mga nag aalangan ng sobra lang ang pumapalya

Ang akin ay akin, sakanya ay sakanya at ang iyo naman ay iyo bahala ka na

Basta para sakin di lang 'to sapatos na maganda

Eto yung sapatos na pinakanagkasya sa paa

Yung sapatos na naging premyo ko sa isang kanta

Kung medyo palaban wag na magtaka sa gantong usapan miski makipag argumento pa

Ayaw magpatalo parang naglalarong pamusta

lalong lalo na sa mga mahirap paniwalain

Wala nakong oras diyan kailangan ko natong kuhain

Parang cap ko na hinablot ng tricycle driver sakin

Minadali ko para ako ay inyong kilalanin

na hindi lang ako sa pagkain malakas

Hindi lang ako yung matabang amats amats

Na pag nalaglag gugulong pababa at aatras

Dahil kayang kaya ko ring gumulong pataas

Nung wala pang pagmamahal sa sarili kong lugar

Pagiging komportable pansamantalang inalisan

Isa di lang cubao ang gusto kong puntahan

Minahal lang nila ko nung wala nakong paki alam

Nung mas ginusto ko pang galingan dun ko sila binalikan pero 'di ko pinalitan ang aking kaugalian,

Pati isip ko wala ng bawian

Kahit hanggang dumating ang bawian

'tong musika dugo ko'y habang buhay bubuhayin

Bibig ko'y gagana parin kahit uko ko'y sirain

Kaya kung kaligayahan ko'y balak mong agawin

Lagi mong aalalahanin na

Ang akin ay akin sino man ang pahawakin, walang may kayang buhatin

Ang akin ay akin andito pa rin sakaling dumating sa alanganin

Walang inaksaya masaya sa nagiging pagpapasya

Mga nag aalangan ng sobra lang ang pumapalya

Ang akin ay akin hinihintay lang mahinog at wala ng ibang hahawak na kamay na malikot

Biglang tumatag basta napanood ko lang si Mhot nung tumalo siya ng apat ng nakapanyo ang likod

Kakaiba na humarap,sa mga kumanti ngarat

Kahit maparalisa ay mananatiling unat

Hirap magpush up makikita niyong tumulak paangat

Ng maibagsak ko sa pagmumukha ninyong lahat

Na ako'y handang handa,madadapa kung madadapa,babangga kung babangga, lalala kung lalala

Ako ay gagawa parin ng gagawa dahil sa yumao

meron silang respeto pero sa buhay wala

Nagbabakasakali kaya minamaya't maya

daliri ko nga sa paa tumama ng hindi sadya

Edit tatama rin ang aking taya

Hayaan mong sabihin ko sayo ng bahagya na

Ang akin ay akin sino man ang pahawakin, walang may kayang buhatin

Ang akin ay akin andito pa rin sakaling dumating sa alanganin

Walang inaksaya masaya sa nagiging pagpapasya

Mga nag aalangan ng sobra lang ang pumapalya

Alam mo na may bisyo may ambisyon parin naman

Walang pinagkaibahan ang aking pakiramdam

Sa iyong pakiramdam pag ika'y napagbibilhan

Pag mga estudyante mo ika'y pinakikinggan

Pag ang kliyente mo nailigtas mo sa maling bintang

Pag natatapos mo yung nakatambak na pinggan

Pag napapaganda mo yung katawan mo pisikal

Lahat yan tanging katamaran lang ang kabaliktaran

Lamang kapa kung ikaw ay masaya at nalilibang

Pinaintindi ko lang pano niyo maintindihan

Dito sa mundong may mga normal na kaisipan

Maniwala ka sakin tipikal ang maging hibang

展开显示全部歌词