Sugod(feat. MC Sacay)-BLKD

Sugod(feat. MC Sacay)

歌手:BLKD

时间:2015-09-18

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Sugod - BLKD & UMPH/MC Sacay

Written by:BLKD/UMPH

Daan daang taon

Sa pagkabusabos tayo'y nakabaon

Mula no'ng panahon

Ng mga banyagang mananakop magpahanggang sa ngayon

Nagbabago lang ang kulay ng kahon

Tayo'y nakakulong dukha at gutom

Hangga't nakaangat mga buwayang nakabarong

Pag unlad ay paurong o gumagapang paahon

Masdan manipulado ang kaayusan

Para magsilbi sa naghaharing iilan

Pinagkakaitan tayo ng kaunlaran

Pagka't puhunan nila ang ating karukhaan

Sa kanila tayo'y mga pyesa lamang

Ng makinang tagalikha ng

Kanilang yamang labis labis

Makinang langis ay ating pawis

Sinong mayayaman

Sila sila lang

Sinong namumuno

Sila sila rin

Tayo'y naghahati sa tira tira lang

Habang yaman ng bayan ang kanilang piging

Sinong namumuno

Sila sila lang

Sinong yumayaman

Sila sila rin

Tayo'y binuburo sa panlilinlang

Sagabal sa pagsulong dapat gibain

Walang kapaguran

Tayo ang babago sa sumpang kaayusan

Papandayin ang mga patakaran

Upang pantayin ang mga kalakaran

Walang pagmamalabis sa ating paghakbang

Panawagan lamang ay mga karapatan

At kaunlarang makatarungan

Dama sa kalunsuran at kanayunan

Matagal na tayong nakikiusap

Mga bingi bingihan dapat nang itulak

May hangganan ang lakas ng batikos

Dapat may sama samang pagkilos

Demokrasya ay isabuhay

Maka nakararami ang diwang tunay

Hindi ibabalik ng mga gahaman

Atin nang bawiin ang kapangyarihan

Ito'y digma laban sa kagutuman at kahirapan

Ito'y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan

Ito'y digma laban sa pambababoy sa pamahalaan

Ito'y digma laban sa pagsasamantala sa sambayanan

Inalay man ang buhay

Mananatili ka sa aming puso

Ala alang patunay

Ang sumugod at lumaban ay patuloy mag aalab ang sulo

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

Mga kapatid sugod

Sugod

展开显示全部歌词