Lambingan - Pilita Corrales
Composed by:L. Ignacio/J. De Jesus
Ay
Kay tamis hirang
Ng
Pagsintang
Tunay
Ang
Lahat ay buhay
Lalo't
Ika'y kapisan
Kung
Sa 'yo'y mawalay
Palad ko'y
Hihina
At
Kung walang lambingan
Mabuti pa
Mabuti pang
Ako'y pumanaw
Sa piling mo
Sinta ko
Napapawi ang lungkot
Napaparam nagbabago
Ang lahat
Ng himutok
At sa tuwi mong
Hahagkan
Ang pisngi kong mabango
Ay tuluyang
Napaparam ang hirap ko
Kung tayo'y magkasayaw
Magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay
Ay aliwalas
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap
Ng matamis na
Lambingan
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap
Ng matamis na
Lambingan