Bilanggo na bilang na ang minuto
Lungkot na ka balot sa bawat segundo
Dulo nga ba ng dilim ay liwanag.
O isang lihim na sinulat sa palad.
Na sisilip ko na ang tunay mong anyo
Hindi na pala totoo ang mga pinangako
Na tatanaw ko na rin unti unting gumuguho
Ang binuo natin na munting palasyo
Unti unti na palang kumukupas
Ang mga ginawa nating palabas
Unti unti na palang kumukupas
Ang pangako mong walang wakas
Palayain mo ako sa mapang alipin mong isipan at puso.
Palayain mo ako, sa mapag kunwari mong hangal na pagmamahal.
tinabunan ko na ng malalim, yung dati na sayo alipin, sa mga sugat na aking natamo panahon
na para paghilumin, sa guhit ng palad inukit, panahon man ay masungit, ngunit di nagpadaig na
muli na sayo ay mapunit
pag ibig ay dapat malayang maramdaman, pero bat nakakapagtakang, sayo'y tila nakakulong
nalang, pagkat wala na bang karapatan, kumawala sa pagkasakal
akin ng kakalagan, ang tanikala, nakatali sayo sa aking nakaraan..
Unti unti na palang kumukupas
Ang mga ginawa nating palabas
Unti unti na palang kumukupas
Ang pangako mong walang wakas
Palayain mo ako sa mapang alipin mong isipan at puso.
Palayain mo ako, sa mapagkunwari mong hangal na pagmamahal
Sa huwad na liwanag
Pag hinga'y sumasadsad.
Damdaming naka kadena na ka pulupot sa iyong anino.
Espiritong naka sanla.
Sa pangakong naka kandado.
Walang hanggang pag piglas.
Hinahanap ang landas ng pag takas.
Palayain mo ako sa mapang alipin mong isipan at puso.
Palayain mo ako, sa mapag kunwari mong hangal na pagmamahal