Atin to (feat. Ramdiss, Jekk Therapeace, Muric, R1CH, Abrhm)-K-Leb

Atin to (feat. Ramdiss, Jekk Therapeace, Muric, R1CH, Abrhm)

歌手:K-Leb

专辑:Mga di masabi

时间:2022-11-18

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Baba na baba na sa lapag, gustong gusto ng makalipad, babawi sa bawat balibag, takot ang ginamit panliyab,

Nangilin na sa taas to, sa baba sa kaliwa sa kanan nagets mo, babaliwin at babarahin, mapapiling mapapatalon ka din sa set ko, nakatodo sinagad ang birit, napasok ng sarili ticket, bawat hirit legit, nagtanim ng totoo sa gilid, pinalawak ang lupang makitid, ang gustoy pinilit tanging ipit ipit, ang pangarap na makita ang pangalan sa peak, para kunin ang nasa baba na di makawala dahil sa pulitikahan sa scene,

Palagan mo lang lahat tol kahit ano pa ang dumating,

Kung sa palagay di maka iskor pwede ka sa akin dumain,

Hihilahin kita pataas basta tunay ka na kapatid,

Uri ko hindi nagtitipid binibigay walang patid biyayang galing sa taas kahit said,

Minsan nga nauuna pa ang iba ganun talaga ang halaga ng pakikisama yah!

Kasama mong naulanan sa putikan hugutin mo sila ang pundasyon non wala ka pa,

Sama sama sa sarap palasapin mo ng tamis ang naiwang tapat,

Di ka bibigat kung wala ang kilo kilong paniniwalang binigay sayo ng lahat,

Kaya asahan mo na kahit anong butas, di ko bibitawan ang ngayon at bukas,

Kung akala mo ang lason walang lunas,

Ako ang syang patunay may tsansa kang pumilas

Kunin natin ang lahat at, hilahan lang pataas ah, kahit di ka pa sikat ah, sama ka sa paglipad ko, kahit na ano pa ang gawin hindi nila kayang pigilin ang itinakda, tatamasain ko ang dahil yun binigay sakin ng lumikha, atin na to yeah yeah, atin na to yeah yeah, atin na to ooh yeah yeah yeah, atin na to yeah yeah

Ngayon mga talampakan ko naman naka kamada sa tuktok

sabayan mo ang tugtog ng ulong yumuyug yog

pandinig ay ilublob sa talatat taludtod

ang tenga ay pabugbog

sa mga linyang pag lulamapat malalakas na suntok

ang mga tatama salamat at malaya

akong nakikipag agawan sa umuulang biyaya

pero bago ko pa tinamasa

ilang kalabog na muna ang ginasa ko ng patihaya

bago napasama at nakatala sa listahan ng bihasang mga makata

ramdiss pang ilan ka?

kapag mga taga pakinig ko nanjan na

kapag sapat na salapi mo saking kanta

Parang mandaragat bayad na ako kada sampa

Kaya abutin mo aking mga palad

walang kapalit na bayad

lumipad hanggang sumayad

ang mga paa sa dapat

kahit di ka tinatawag

lagi mong ipaliwanag,

na isa' ka' sa mga dapat'

na patamaan ng liwanag

alam mong di to madalian

kung dumating ka

dito ng walang kinakapitan

kapag hilaw alam mo na dahil sa salapi lang

napabilang

iba tubong palayan sa bunga lang ng balimbingan

Nagpaka lunod sa proseso

hanggang MAKAHINGA SA GINHAWA

progreso

MAPUNTA MAN SA LANGIT AY SANAY NA SA EMPYERNO

KAYA KUNG BUMAGSAK MAN AKO AY KAYA KONG BUMWELO

PABALIK!

Kunin natin ang lahat at, hilahan lang pataas ah, kahit di ka pa sikat ah, sama ka sa paglipad ko, kahit na ano pa ang gawin hindi nila kayang pigilin ang itinakda, tatamasain ko ang dahil yun binigay sakin ng lumikha, atin na to yeah yeah, atin na to yeah yeah, atin na to ooh yeah yeah yeah, atin na to yeah yeah

Matagal-tagal na din akong hindi sumulat ng tula tulad ng sa ganitong klaseng paraan,

Kaso lang kinalabit ako sa pag-hilik kasi marami daw ang ayaw padaan.

Tang ina naman, sino nga ba yan? Kilala ba yan? Hindi pu-pwede na kami ay nila-lang,

Halatang hindi nyo ka-mi nasubaybayan kasi hindi alam na di tayo pangkaraniwang nilalang!

Hatak pataas, hila pataas yan ang palagi na paboritong palabas,

Kaso lang pag pigaan ng utak, walang mapiga kahit na patak lamang ng katas.

Hila ng mababa yan ang pang-unawa, kaya sa baba ang palaging kawawa,

Ngayon lang ako titira ng bahala, sinulat ko to nakapanga-lumbaba.

Tumataas man aking tono ay malabo na mawawalan ako ng modo,

Kaso lang ayoko ng magturo pa ng bobo, lalo na kung di kayang yakapin ang katoto,

Hanan na hindi tayo pupweding magkatoto, mga balak nyo na maitim kesa sa choco,

Sige subukan natin sino ang mas loko, ng malaman natin pano ba mag-rap si Joko.

Wala pa man ako sa rurok, pinipilit ko na akyatin ang mga bundok,

Upang sa ganun ay masilayan ang tala tinuturing nyo lamang noon na mga tuldok.

Isa ako sa mga nangahas na lumabas sa kalawakan para don sa buwan ay... 0maki-suntok,

Sa amin ang laro kaya sige sumama't magmasid ka samin kung pano ang daan sa tuktok.

Kunin natin ang lahat at, hilahan lang pataas ah, kahit di ka pa sikat ah, sama ka sa paglipad ko, kahit na ano pa ang gawin hindi nila kayang pigilin ang itinakda, tatamasain ko ang dahil yun binigay sakin ng lumikha, atin na to yeah yeah, atin na to yeah yeah, atin na to ooh yeah yeah yeah, atin na to yeah yeah

kunin ang lahat ng para satin

hating kapatid, ulam at kanin

kung mag kulang man sige mag saing

hanggang sa maraming mabahagi't

makakain

wag mong tigilan, ang maganda mo na hangarin

kahit na pigilan ka nila't harangin

basta pag meron kang tyansa wag sayangin,

galingan palagi, gang mangyari ang mga sinasabe mo sa dalangin

wala nakong hihintuan, meron lang lilingunan

ginagalawan kahit minsan, nalilito man

bago ko to simulan, ginagawa kahit posibleng di masuklian

di naman to biruan, pasahan ang tropa ng kwan,

at isama sa bwan,

di na hihinto kahit parahin uh

di na liliko kahit tawagin pa

panatiliin na palawakin

babalik at babalik din sakin parang boomerang

di na hihinto kahit parahin uh

di na liliko kahit tawagin pa

panatiliin na palawakin

babalik at babalik din sakin parang boomerang

Kunin natin ang lahat at, hilahan lang pataas ah, kahit di ka pa sikat ah, sama ka sa paglipad ko, kahit na ano pa ang gawin hindi nila kayang pigilin ang itinakda, tatamasain ko ang dahil yun binigay sakin ng lumikha, atin na to yeah yeah, atin na to yeah yeah, atin na to ooh yeah yeah yeah, atin na to yeah yeah

Napakadaming beses na din pinagdamutan,

Mga natulungan ako pa'y kinalimutan,

Buti nahulma ko nung na sa sinapupunan,-

Kaya nakapaligid sakin ay kaya kong ikutan,-

Di naging batugan/ sanay sa umpu-gan,

Pangalan kasama na pag usapan tugtu-gan,

Di ko tinulu-gan/ aking kinilu-san,

Bayad ng buo di na kailangan pang hulu-gan,

Woow woow/ yan ang sabi nung nakita akong umasenso,

Woow woow/ di maiiwasan gamitan man ng insenso,

Hoy Hoy/ tinapay namin ngayon may palaman na ke-so,

Boy Boy/ kamayan lang wag ka magkakamaling bume-so,

Batang Pasig na Lokalidad/ lam mo na ang kilos ay palaging palipad,

Natatandaan kahit saan pa lumapag/ di nila makaya pag kami sumasagad,

Sa daming kasabay sa aking paglalakad/ di na nababase kung ano iyong edad,

Di mo maitatangi aking abilidad papunta na kami sa tagumpay at don magbababad,

Kunin natin ang lahat at, hilahan lang pataas ah, kahit di ka pa sikat ah, sama ka sa paglipad ko, kahit na ano pa ang gawin hindi nila kayang pigilin ang itinakda, tatamasain ko ang dahil yun binigay sakin ng lumikha, atin na to yeah yeah, atin na to yeah yeah, atin na to ooh yeah yeah yeah, atin na to yeah yeah

Kapag narinig mo to ibig sabihin ay atin na to

Habang may pintig sa pulso malabong huminto

Kahit na ako'y harangan pa ng kahit na ano

Gamit lang ang mga bara na dyamante at ginto

Matagal na panahon nanatili na gutom nabusog yung iba

pinili ko ang hilig pinaikot ang gulong hindi nagpagiba

Di baleng maliit ang hakbang basta pasulong

Bilangin mga awit na obra ang nabuo, lalo na kasama ko ang mga tropa naku po.

Di ka belong pag Sa tugmaan di lulong

Mapapamurang malutong pag may ideyang binulong

Walanggg -tigil ang lagare hanggang sa lahat mayare

Di pwede na mangyare na walang lang nangyayare

Sipagan buong araw tamarin lang ang bawal

Parang si jack bauer kulang twenty four hours

Walanggg -pagod na dala lagi lang magbakasali

Di maiwasang masanggi mga ibang kasali

Dami ng umaasta na hari mukhang kawal

Alat mo na nga pinili pa na maging sour

Ugh matapos na humamig mga panig panahon na para kame naman ngayon ang kumamig

Nalaman ang galawan sa halaman nahumaling

Marating ang taas kahit galing pang ilalim

Di masamang pitasin ang bunga ng sarili mong tanim

Mga peste alisin ,talento lang ang gamit na panghiwa ugh

Hinasa ng hinasa ng tumalas ang talim

展开显示全部歌词