OYAYI - Alisson Shore (艾利臣·沙爾)/Arthur Nery/Keene Leonor
Lyrics by:Emmanuel Sambayan
Composed by:Emmanuel Sambayan/Arthur Madrigalejos Nery Jr./Keene JV Leonor
Arranged by:Alisson Shore
Produced by:Alisson Shore
Ipikit ang 'yong mata at iwasan nang mag-alala
Iwasan mag-alala
Ang gulo sa'yong isipan dahan-dahan nang ibubura
Dahan-dahan
'Di alintana ang mga talak sa ating paligid
'Di na dapat mangamba 'pagkat 'sing-himbing lang ng langit
Ang aking oyayi na walang hanggang maririnig
Ito'y kalmado elebado
Ngayon ako ang sasalo
Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay
Laging sinisilip ang mga tinging mong humihirit pa
Lama'y sulyap aking mga mata
Sana'y maaalala ang hugis ng aking mukha
'Di kita masisi kung ang hiling mo lang ay aking yakap
Kasi alam ko nang 'di mo alam kung kailan pwedeng magpaalam
Hahanap-hanapin kita mahal
Kahit hindi na babalik
Oh
'Wag ka nang mangamba
Ito'y kalmado elebado
Ngayon ako ang sasalo
Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay
'Di mo na mararamdaman ang sakit
'Di mo na mararamdaman ang pait
Kung pa'no kita alagaan sa panahong 'di makatayo
At siya lang ang tanging tugon sa buhay ko
Kung mangyari man ay ayos na
Luha ko'y naubos at
'Di pa rin tanggap ngunit wala na akong magagawa
'Di ko kakayaning lumisan ka sa'kin
Ito ang hiling habilin
Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay kalimutan ako