在手机上保存,获得更好体验
CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader Nangarap sintaas ng tore ng Babel Nung walang pambili ng laruang baril Nagtatiyaga sa eroplanong papel
VERSE 1 (LOONIE):
Naaalala ko pa yung bahay sa Vito Cruz
Kung san ang battlerap sakin unang naintroduce Nung mga panahong wala pang gigs at interviews Wala ring makain kasi wala pang million views Daming gustong patunayan
Dami ring gustong pasinungalingan Daming gustong paghusayan
Kaso pamilya ay di ko malisan Daming gustong pagusapan Kaso takot sa mali kong katwiran Dami nang pinagdusahan
Sa dami ng nagawang kamalian (kamalian)
(SMUGGLAZ):
Ayo!
Naaalala ko sa Delpan, dun sa kanto Hablot, tutok
Pag mahina bote-diyaryo
Wala pang Batang Quiapo nun o Probinsyano ‘Sang batang pasaway na habulin na ‘to ni Cardo
Dami kong gustong subukan gamit ang perang makapangyarihan Dami ring gustong tulungan, mabiyayaan at mabahagian
Dami mang gustong tutulan, mga tunay na kaaway, pekeng kaibigan Dami nang pinaghugutan nung mga panahon na ako ay kalimitang…
CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader (tulala!) Nangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)
Nung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!) Nagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!) Ngayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)
Mapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!) Ginagawa ko lang eroplanong papel
VERSE 2 (SMUGGLAZ):
Naaalala ko pa yung mga gabi sa t’wina Uwian ay kalsada, at pamilya ang barkada Nagigising sa mga usok at busina
Sa walang kurtina kong kubeta, sala’t kama Buhay ba ng gangsta? Gusto mo sumama? Muntik na kong mabaliw at maging taong grasa Kahiyang i-flex, yung iba nga finefake
Yung istoryang pinepeg, paangasin na may drama (drama, drama, drama) Pero kung ‘kala mo na yun lamang (yeah)
Tapos madapa, gumulong, at gumapang
Alam kong bumangon ay obligasyon kong atang Nung una akalang hanggang dun na lamang Tapos ngayon parang ako pa yumabang (ha?) Sa repleksiyon ng aking mga mata
Nakikita ko pa rin yung batang (batang, batang…)
CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader (tulala!) Nangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)
Nung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!) Nagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!) Ngayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!) Mapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!) Ginagawa ko lang eroplanong papel
VERSE 3 (LOONIE):
Di na kailangan magbayad ng upa
Meron nang bahay at lupa, malaya sa utang Sarap na ng buhay di gaya nang una
Di na kailangan pang magkandakuba Para sa pangarap na nakakalula Bawal sa mga batang, mababaw luha Maraming sugapang makakasagupa
Gumapang sa lupa hanggang sa makuha Kaya magflex nang pilit, di na kailangan Ako’y haligi na ng tahanan
Magpapasimple, pakumbaba lang Para hindi rin ako utangan
Mananahimik na lang sa gilid kahit sabihin pa na yumabang San man mawili, Sa’king sarili mananatili pa rin yung batang…