Mahalin
Mahalin
Mahalin
Mahalin mo ako
Ang dami kong gustong sabihin
Kung sana’y pwede pang ulitin
Ngunit labag sa kanyang kalooban
Ang pagmamahal nang masinsinan
Lumayo at natakot
Nawala nang tuluyan
Hindi makapaniwalang nagawa
Ang ‘di inaasahan
Mahalin mo ako
Kahit sandali, kahit na mali
Kahit iba ang ‘yong pinili
Maghihintay pa rin
Kahit na mali
Hindi sinasadyang magustuhan
Nagkataong ako’y nilapitan
Ngunit walang alam sa inyong pagmamahalan
Nasira ang pagsasamahan (pagsasamahan)
Kaya nawala ang tiwala
Bumalik sa may sala
Humingi ng pasensya
At iniwan akong mag-isa
Mahalin mo ako
Kahit sandali, kahit na mali
Kahit iba ang ‘yong pinili
Maghihintay pa rin
Kahit na mali
Oh bawat galaw at isipan ko’y
‘Di planado, dinala ako patungo sa ‘yo
Oh nais kong malaman mo
Narito ako, umaasa na piliin mong
Mahalin
Mahalin
Mahalin
Mahalin mo ako
Mahalin (mo ako)
Mahalin mo ako
Mahalin (mo ako)
Mahalin mo ako
Umalis nang walang sabi
Sinisi ang sarili
Huling beses sasabihin
At ‘di muling pipilitin
Mahalin mo ako
Kahit sandal, kahit na mali
Kahit iba ang ‘yong pinili
Maghihintay pa rin
Kahit na mali
Mahalin mo ako
Kahit sandali, kahit na mali
Kahit iba ang ‘yong pinili
Maghihintay pa rin
Kahit na mali