Kay lamig ng simoy ng hangin
Di ka naman maka piling
Sabik sa iyong mga yakap at mga halik
Saksi ang buwan at mga bituin
Sa luha na dulot ng lungkot
Sa pangungulila sa aking minamahal
Kung bibilis lang ang ikot ng mundo
Hindi na sana nalulumbay
Ang tanging hiling ko ay
Makapiling kang muli
At kahit na sa malayo pa
Hinding hindi malilimot
Ang iyong ngiting nag lalambing
At ang halik na walang mintis
Ang tangi kong pangako ay
Ikaw lamang at wala ng iba
Sa puso ko'y nag iisa
Sana ay mahintay ang aking pag babalik