Mga ngiti sa labi
Mga tinginang tila may landi
Dahil bawal tayong maghari
Puro lang pagkukunwari
Diorama
Mapang-akit
Kahali-halina
Pigil na pigil
Parang estatwa
Alam nating magkunwari
Tipong waging-wagi
Diorama
Alis na tayo dito
Dun tayo kung san malayo
Makarating ng malaya
Imposibleng hindi posible
Ayaw natin sa tsismoso
Lalo na sa kurap, hudas, demonyo
Malinaw na maling-mali
Hindi sila magwawagi
Basagin ang diorama
Alis na tayo dito
Dun tayo kung san malayang
Makarating sa malayo
Imposibleng hindi posible