Madalas napapa-isip napapatanong
Bakit ang dali mo lang akong binaon
Bakit ba nag kaganito kung kailan matagal na tayo
Ano bang rason bakit yung tayo parang wala lang yun sayo
Bakit nag tagal ka pa tayo kung iiwan mo
Bakit sumabay kapa sa panalangin ko
Mga tanong na di na masagot ng isip ko
Kasi kung alam mo lang kung gano mo ko nasaktan
Kung naramdaman mo lang
Kung naramdaman mo lang
Baka hindi mo kayanin kung nararamdaman mo lang
Yung sakit tinitiis nalang nag darasal
Na sana balang araw ang lahat
Ng to makalimutan ko nalang
Sana nga makalimutan ka nalang
Lahat ng ating nilaban ngayon balewala nalang
Nang mawala ka puso'y nahihirapan
Mga katanungan kung san ba ko nag kulang
Bigyan kasagutan kung san ba ko nag kulang
Alaala mong iniwan pinipilit ko na ngayon na makalimutan
Walang pinag awayan bigla nalang lumisan
Ngayon ang aking kwarto binabalot nalang ng katahimikan
Mag isa nalang ako habang hawak
Ang bote at yosi na naging sandalan
Inaasa ang tama sa alak para makalimutan ka
Pero pag nawawala yung tama
Ayan ka nanaman naaalala ka
Nasanay kasi na laging na kasama ka
Kaya nung nawala ka parang laging kulang na
Hanggang kailan ko ba ito lahat madadama
Pati sarili ko ngayon napabayaan na
Kakaisip saiyo kung babalik ka pa
Kailan titila ang luha sa mga mata
Turuan mo naman ako na kalimutan ka
Lahat ng ating nilaban ngayon balewala nalang
Nang mawala ka puso'y nahihirapan
Mga katanungan kung san ba ko nag kulang
Bigyan kasagutan kung san ba ko nag kulang