
在手机上保存,获得更好体验
Ikaw ang musika sa tag-ulan
At ang heleng
Hindi na mauubusan ng hininga
(di maubusan ng hininga)
Kausap ka palagi
(kausap ka palagi)
Mas lumalim ang bunga ng dati
Pagal man, ikaw ang aking pahinga
(ikaw ang pahinga)
Nakahiga lang sa kama
Di inda ang mga kalat at
Ang gusto lang marinig ay yung pangarap na
Dalawang pusa, isang aso
At may tirahan dun sa Baguio, o Batanes
Kahit san basta maigi na
Maglalayag, maglalakbay
Maghahangad ng ibang buhay
Malayo sa nakasanayan kong mga ingay
Kung pu-pwede lang
Di lang maiwan ang aking katayuan
Hawak ang iyong mga kamay
Ayaw ng bumitaw
Walang pakialam sa iba
Pangalan mo lang ang aking isisigaw
(pangalan mo ang isisigaw)
Walang ibang mahal kun’di ikaw
(walang iba, walang iba, walang iba)
Walang ibang mahal kun’di ikaw
Maghalo na tayo ng presa sa gatas
Ang sorpresa, si Kira ang ubas
Ibig kong sabihin, wala kang katumbas
Purong diyamante, na parang alahas
Diba ikaw ang paborito ko, yeah yeah
Lahat ng nasa’kin ay para sayo, yeah yeah
Lagi lang tayong magkasundo, sa tono pati na sa liriko (pero)
Ikaw lang dalagang kakilala ang sarili ko
Di man ako magtagal sa musika
Pero handa kong kalimutan ang lahat, maliban lang sayo
Nakasakay sa ulap at lutang
Handa nang maligaw
Basta’t ikaw ay tanaw
Natagpuan na ang dating
Matagal kong sinisigaw
(Akin ka lang, akin ka lang)
Akin ka lang
Di bibitawan alam mo namang hindi biro
Ating daraanan
Diyan ka na lang, hawakan mo aking kamay at sabay tayo na, mangangarap
Aabutin ang langit na o kay ganda
O ang sarap na tumanda kapag kasama ka
Di na ko gagamit pa ng malalalim at paliguy-ligoy pa na mga salita
O para mabighani at makuha ang loob mo bagkus ay kikilos na lang ako at gagawa ng
Paraan para hindi magsisi, yuh
Maghahatid sayo ng ngiti, yuhh
Ibibigay sayo lahat ng meron
Kahit na ano, wala ng pero
Kahit saan man tayo magpunta, mananatili pa rin tayong terno
Wala nang preno preno pa, wala na, wala na, wala na
Walang iba, walang iba, walang iba, uhhh
Walang iba, walang iba, walang iba
Walang ibang mahal kun’di ikaw
Walang ibang mahal kun’di ikaw