Bulag, Pipi, at Bingi-Freddie Aguilar
    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Bulag, Pipi, at Bingi - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉尔)

Lyrics by:Snaffu Rigor

Composed by:Snaffu Rigor

Madilim ang 'yong paligid hating gabing walang hanggan

Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan

H'wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin

Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin

Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan

Pipi ka man nang isinilang dakila ka sa sinuman

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba'y mahalaga

Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig

Mapalad ka o kaibigan napakaingay ng mundo

Sa isang binging katulad mo walang daing walang gulo

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

展开显示全部歌词