
在手机上保存,获得更好体验
Walang Kapalit (AM VER.) - Arthur Miguel
Lyrics by:Rey Valera
Composed by:Rey Valera
Produced by:Arthur Miguel
'Wag magtaka kung ako ay
'Di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa'yo'y ibibigay kahit'di mo man pinapansin
'Wag mangamba hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala
Hinanakit sa 'ki'y walang wala
At kung hindi man dumating sa'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
'Wag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin
'Wag mangamba hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sayo'y ibibigay kahit
'Di mo pinapansin
At kung hindi man dumating sa'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
'Huwag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin