Reseta-Alisson Shore
    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Tahimik at nag-iisa

Paminsa'y nakatulala

Wala nang pake sa iba

Sakit ay balewala

Tahimik at nag-iisa

Sarili'y di kinumpara

Sa ingay ng aking paligid

Hindi na 'ko matutumba

Ang mga huni sa bintana'y senyales ng pag-ulan

pwede ding hudyat ng araw sa gitna ng karagatan

Gustong matanaw ang langit ngunit kadiliman

ang bumalot sa isipan,ano ang paniniwalaan?

Nasan ang katotohanan?

Kamusta ka na anak?

Kamusta na ang pakiramdam, mabigat ba anak?

Nakita kang nakahandusay, at wala ng malay

nung nakarinig ako ng malakas na ingay, ay tinawag si Tatay at

ika'y inakay dito sa ospital at

matagal-tagal na proseso bago nakahinga na

parang pakiramdam ng ika'y aking niluwal

Napaikot na ng apat na beses ang hawak kong rosaryo kaka-dasal

Alam kong di mo pa alam ang gagawin

Huwag kang mag-alala, si Inay na ang magsisilbing

espada't baluti sa mga mamang nakaitim

Dahil ang iyong sugat ay siyang aking mga sugat din

Kaya kamusta ka na anak?

Meron bang bumabagabag sayo'ng isipan anak?

Aking pakikinggan

Kumapit sa bato't nahulog sa patibong niya

muntik malunod at malagutan ng hininga

Ako'y gumapang sa banyo't laso'y ibinuga

nang tumingin sa salamin, sarili'y di na kilala

At nung nakita'y parang nag-iba

Ali ika'y tumaba, ego ko ay nauga, bumaba

Sambit nilang sa dalaga'y huwag mapariwara

kabawasan sa pagkalalaki pag ika'y naluha

Ngayon di matiyak, ano ba talagang problema

Sa babae, pagkalalaki o lulong sa droga?

Sa kakaisip nawalan na ko ng gana

Tinaguan ang mundo, sa pagtulog ko na lang nakikita

Inay, di ko ginustong mapasama

Nais ko lang mapamanhid ang matang nagluluha

At kung bumuhos man ang baha

Inay, tulong di ko na alam kung san ako magsisimula

Ang mga huni sa bintana'y

senyales ng pag-ulan

pwede ding hudyat ng araw

sa gitna ng karagatan

Gustong matanaw ang langit ngunit kadiliman

ang bumalot sa isipan, ano ang paniniwala -

- aan mo lahat ng sinasabi ko anak

paniwalaan ang sarili mo anak

Hindi ikaw ang kamalian mo anak

makinig ka sa ipapayo ko anak

Sige, ano na ba ang iyong nararamdaman?

Mabuti ba? nung binahagi mo ay gumaan?

Kasama sa laro ng pag-ibig ang masaktan

Maging pangaral ang mga nakaraan

Sa prinsipyo ng iba'y wag kang mabubuyo

'lang ibang katulad mo, mapa-alak o damo

itaga man sa bato, panandaliang lunas lang lahat ng to

May buhay kang nabago ng binago ang sarili mo

Kapalaran ay laging sinusugal

Lamang sa biyaya, o lamang ka sa dasal

Aakapin ng buo ng Poong Maykapal

Babaguhin ng puso ang pagmamahal

Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan

Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan

Paulit-ulit mong sabihin dahil kung ano iyong

iniisip, siyang iyong katotohanan

Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan

Kung ano ang iyong iniisip, katotohanan

Kung sa ngayon ay magulo ay manalangin lang

Balang araw ang lahat ay iyong maintindihan

Kaya ngayon, ano ang iyong iniisip?

Kaya anak, ano ang iyong nasa isip?

展开显示全部歌词