Di Na Babalik (Explicit)-Awie

Di Na Babalik (Explicit)

歌手:Awie

时间:2022-08-22

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Hook:

Wala na ang lahat ng iningatan

Biglang tinapon ang mga pinagsamahan

Unti unti ko nang tinanggap na yung tayo ay wala na mula nung mawala ka

Di ko malaman ba't ganto yung kapalit

Di inasahang maging ganto kasakit

Na harapin katotohanan na lahat ay nawala na...

Di ka na babalik

Awie:

Mabalik tayo sa nakaraan

Kahit masakit

Sinira ng kung sinong malapit

Sa hindi inaasahang pagkakataon pagkatapos merong kapalit

Wag mo munang isara ang kurtina

Patayin ang ilaw, di ka na bida

Napansin na lumamig ang klima

Sa totoo lang kung babalik ka pa di na

Kung tutuusin, di ko lulubusin

Sayang lang ang oras ko na bubunuin

Kung gagamiting dahilan ang mga bagay na hindi ko ginawa ay aalis nalang baka sakaling matuwa

O magluksa

Alipin ka ng oras

Sa pansin dukha

Kaya naguluhan kasi hindi tugma

Tanggapin kung anong binigay

Tagal kong inantay na bitawan aking kamay

JaySen:

Sa tagal kong nakulong sa mga bagay na hindi ko naman talaga nakuhang magamay

Sayo lang lumapit, kumapit pero bakit kahit ako yung nahirapan ikaw pa yung bumigay

Sa bawat lakad mo mas pinili kong sumabay

Sa agos ng buhay ako nag silbi mong gabay

Pero huli na nung malaman kong sa barkong ginamit natin ako nalang pala yung nakasakay

Bakit ba hindi ko nakita na

Na bandang huli lahat ng nabuong pangarap ay mawawala

Dahil lumisan ka

Kaya di ko na alam ang dapat kong gawin

San ba dadalhin

Kung ako lang din

Ang tatanungin

Di na aasa na bumalik sakin sapagkat alam ko na din naman na--

Hook:

Wala na ang lahat ng iningatan

Biglang tinapon ang mga pinagsamahan

Unti unti ko nang tinanggap na yung tayo ay wala na mula nung mawala ka

Di ko malaman ba't ganto yung kapalit

Di inasahang maging ganto kasakit

Na harapin katotohanan na lahat ay nawala na...

Di ka na babalik

展开显示全部歌词