
在手机上保存,获得更好体验
Pasintabi
Gusto ko lang mapakinggan
Nagising ako kanina tapos bigla ako naliwanagan
Sino nga ba ang tao
Bakit ganito o ganyan
Pwes, simulan na natin ang husgahan
Simpleng tao nga ‘pag nakita mo nga
Walang dating at maraming kamukha
Okay ‘yon hindi mo mapapansin ang pangungutya ko
Mala-pulubing ayaw mong lingunin para ‘di ka maabala
Pero ayan na, tuloy-tuloy na ang utak kong kinakalkula kung sino ka
Alam ko na
Isa ka ring taong matapobre at mapanghusga
May respeto ka lang sa mga taong may kotse at magarang garbo
O loko, tama ako
Pero ‘pag tumingin ka sa salamin pag-uwi mo
Nag-iisa ka sa buhay mo sa malawak na higanteng mansyon
Wala pa ‘kong tunog o sigurado nga baka nangongopya pa
Inspirasyon kong mga henyo sa pagtula ang basehan ng pagdama
Buti nga inaamin ko kesa sa magnanakaw na iba
Hindi ako rapper
Hindi nga
Oo
Baka
Siguro
Ewan pa
Hindi ako rapper
Hinahabol lang ng bibig ko ‘yong bilis ng anxiety ko
Hindi ako rapper
Sala-salabit ang mga salitang kinatatakutan ko
Hindi ako rapper
Wala akong street cred na maipagmamalaki
Hindi ako rapper
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Mmm…
Mahirap ako
Mahirap ang buhay ko
Kaya babangon ako at dudurugin ko kayo
Pero ano
Nakahiga ka habang sinasabi ang mga katagang ‘to
Pautang muna babayaran ko naman
Hala ang damot mo namang hayup kang anak ka ng tatay mo
Who you ka sa ‘kin kapag umunlad ako
Lalaking-lalaki ka lang
‘Pag may mga babaeng nakapalupot sa braso mo
Hindi isa, hindi dalawa
Kundi maraming tao
Parang aso kung tratuhin
Sakal ang kadenang hilig mong hilahin
Mayabang at maangas pero puro naman hangin
At ang totoong pinanggalingan
‘Di ako mahal ng nanay ko
Iniwan niya ang pamilya namin para sa ibang mga lalaking masisipingan
Huwag mo akong husgahan hindi ako rapper
Huwag mo akong husgahan hindi ako rapper
Hindi nga
Oo
Baka
Siguro
Ewan pa
Hindi ako rapper
Hinahabol lang ng bibig ko ‘yong bilis ng anxiety ko
Hindi ako rapper
Sala-salabit ang mga salitang kinatatakutan ko
Hindi ako rapper
Wala akong street cred na maipagmamalaki
Hindi ako rapper
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Mmm…
Hindi ako rapper
Hinahabol lang ng bibig ko ‘yong bilis ng anxiety ko
Hindi ako rapper
Sala-salabit ang mga salitang kinatatakutan ko
Hindi ako rapper
Wala akong street cred na maipagmamalaki
Hindi ako rapper
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Magiging boses ng mga tanong ng utak sa gabi
Masama dito tol, mga bruh, ate at mars
Ang tagal na natin sa earth papunta na nga tayo ng mars
Lumang tugtugin na pero sikat na sikat pa
Wala tayong pagkakatuto enjoy na enjoy pa
Pero ang totoo
‘Pag nasa kwarto na
Humihinga ng malalim katulad ng iba
Nagbabalat kayo para ‘di makilala
Nagpapanggap na kaya
Makagising lang bukas at maidilat ang mata