Buksan mo
Buksan ang iyong mata
Kulayan mo
Kulayan mo ang maskara
Damhin mo
Ang simoy na nagmumula
Sa alab ng iyong apoy na parang mahika
Di kailangan na malito sa mga sinasabi ko
Simple lang naman ang pangarap ng isang katulad ko
Yah!
Gumulong ka papunta saking banig
Bulaklak mo ako magdidilig
Di sinasadya ako ay mahulog
Wag isipin na ulo'y binibilog
Mahuhula'y nanghula sa akin
At ang hula nya'y ganitong ganito
Gigisingin daw ng puso mo
Ang puso kong tulirong tuliro
Di mawawala Kahit na itago
Kumbinsido na lahat nagbabago
Salubungin ang hangin
At ang ulap na kasama nito
Manatili ka lang
Panaginip ko ay magkakatotoo
Languyin natin ang kalawakan
(Languyin)
Kalimutan na ang nakaraan
(Limutin)
Alitaptap ituro ang daan
(Liparin)
Mabulaklak na dila ay tikman
(Lasapin)
Di na kailangan pang humiling sa bulalakaw
Inaasam na pagibig ako na ang magnanakaw
Yah!
Sa paraiso ko na sobrang lamig
Yakapin mo ako ng mahigpit
Di sinasadya ako ay mahulog
Wag isipin na ulo'y binibilog
Mahuhula'y nanghula sa akin
At ang hula nya'y ganitong ganito
Gigisingin daw ng puso mo
Ang puso kong tulirong tuliro
Di mawawala Kahit na itago
Kumbinsido na lahat nagbabago
Salubungin ang hangin
At ang ulap na kasama nito
Manatili ka lang
Panaginip ko ay magkakatotoo
Sasayaw tayo sa awit na to
Lilipad sa kabilang mundo
(Kabilang mundo)
Susulitin ang huling tatlong minuto
(tatlong minuto)
Hihingi pa rin ng tawad kahit na sa dulo ay
Di sinasadya ako ay mahulog
(Ako ay mahulog)
Wag isipin na ulo'y binibilog
(Ulo'y binibilog)
Mahuhula'y nanghula sa akin
At ang hula nya'y ganitong ganito
(Ganitong ganito)
Gigisingin daw ng puso mo
Ang puso kong tulirong tuliro
(Tulirong tuliro)
Di mawawala Kahit na itago
(Kahit na itago)
Kumbinsido na lahat nagbabago
(Lahat nagbabago)
Salubungin ang hangin
At ang ulap na kasama nito
(Kasama nito)
Manatili ka lang
Panaginip ko ay magkakatotoo
(Totoong totoo)
Sasayaw tayo sa awit na to
Lilipad sa kabilang mundo
Susulitin ang huling tatlong minuto
Hihingi pa rin ng tawad kahit na sa dulo ay