Maki - Dilaw
Alam mo ba muntikan na
Sumuko ang puso ko
Sa paulit-ulit
Na pagkakataon
Na nasaktan nabigo
Mukhang delikado
Na naman ako
O bakit ba
Kinikilig na naman ako
Pero ngayon ay
Parang kakaiba
'Pag nakatingin
Sa'yong mata
Ang mundo ay kalma
Ngayong nand'yan ka na
'Di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung
Anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang
Kulay ang aking
Nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw
'Di akalain
Mararamdaman ko muli
Ang yakap ng panahon habang
Kumakalabit ang init
At sinag ng araw
Sa lilim ng ulap
Mukhang 'di naman delikado
Kasi parang
Ngumingiti na naman ako
Kaya ngayon 'di
Na ko mangangamba
Kahit anong sabihin nila
Ngayong nand'yan ka na
'Di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung
Anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayon ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang
Aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw
Ngayong nand'yan ka na
'Di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung
Anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Ngayong nand'yan ka na
'Di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung
Anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang
Aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw