Ang hirap pumikit
Ang hirap magising
Hindi mapakali dahil sa ’yo
Kanino pupunta
Saan ba talaga
Ako lulugar kundi sa ’yo
‘Di ba’t ikaw ang kasamang mangarap
‘Di ba’t ikaw ang kasamang tatanda
Tulog ka lang ng mahimbing
Bukas na lang kung magising
Pagkamulat bubungad ang sulat mo sa akin
Sa isip na lang makakapiling
Nagtanong na araw-araw
‘Di pa maaral-aral
‘Di ba dadalaw-dalaw ka pa rin
Sa ‘kin at yayakap
Tuwing mababagabag
Kung sakaling mga tenga
Ngayon sa akin ay humalik ka lang
Sa litrato kong hawak-hawak
Bakit ang daya-daya
Kung kelan napapanata
Mag-isa sa higaan
Kung kailan mas nararapat
Madama mo’y kasama
Katuwang na lalaban
Kaso pa’no nga kung kahit ano pa
Na angal mo alam mong maaagawan
Pa’no ba matanggap ‘yon
Pa’no papayag kung ako ay nasanay
Kada umaga dapat ika’y nando’n
Pa’no tumahan kung pumatak man ng kusa yung mga luha
Kung may pagpipilian kahit ano
‘Wag namang gan’to
Alam kong mas matinis ang pakiramdam
Ng pinalitan o kaya iniwanan
Kasi may dahilan kaya miski mag-isa kinakaya
Mas magaan magparaya dahil dinaya
Samantala ga’no man naagapan
May mga kaganapan na sa pagtanggap na lang matatakasan
Sige na
Oh, tulog ka na ng mahimbing
Bukas na lang kung magising
Pagkamulat bubungad ang sulat mo sa akin
Sa isip na lang makakapiling
Diyan ka na lamang mahahagkan
‘Yan na lang ang paraang alam
Pansamantala na magpaalam
Dahan-dahan namang gagaan
Kapag nagsasara ng mata
Lagi na din naman nandiyan ka
Salamat sa mga alaala
Na aking madadala dahil
Madadama ka pa rin makatabi
Kahit mag-isa pagpikit
Naiintidihan na baka
Para mas matiyak nating magagawa
Tanggapin na wala ka na
Sakit ay mawawala
Kapalit ay kapayapaan nating dalawa
Kasi sa kabilang banda’y magagawa pa rin
Natin yung mga salita
‘Di ba’t ikaw ang kasamang mangarap
‘Di ba’t ikaw ang kasamang tatanda
Tulog ka lang ng mahimbing
Bukas na lang kung magising
Pagkamulat bubungad ang sulat mo sa akin
Sa isip na lang makakapiling
Oh…tulog ka lang ng mahimbing
Bukas na lang kung magising
Pagkamulat bubungad ang sulat mo sa akin
Sa isip na lang makakapiling
Bukas na lang makakapiling