Ako'y Isang Mabuting Pilipino-Noel Cabangon

Ako'y Isang Mabuting Pilipino

歌手:Noel Cabangon

时间:2019-07-26

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Ako'y Isang Mabuting Pilipino - Noel Cabangon

Written by:Noel Cabangon

Ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran

Sumasakay ako sa tamang sakayan

Pumipila at 'di nakikipag unahan

At 'di ako pasiga siga sa lansangan

Bumababa't nagsasakay ako sa tamang sakayan

'Di nakahambalang parang walang pakiaalam

Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada

Humihinto ako 'pag ang ilaw ay pula

'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

'Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay

Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay

Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto

At 'di nagtatago sa ilalim ng puno

'Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan

'Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan

Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan

Inaalagaan ko ang ating kapaligiran

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang

Kaya't pag aaral ay aking pinagbubutihan

'Di ako gumagamit ng bawal na gamot

O kaya'y tumatambay at sa eskwela'y 'di pumapasok

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan

'Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan

'Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan

Ang boto ko'y aking pinahahalagahan

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Oh oh

Ako'y isang tapat at totoong lingkod ng bayan

Pabor o lagay ay 'di ko pinapayagan

Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan

'Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino

Mga karapatan nila'y kinikilala ko

Iginagalang ko ang aking kapwa tao

Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

展开显示全部歌词