As I lay my head down
and I put my pen away to rest
All the things are played now
I wanna know if I really did my best
As I take my out
And I say the last things off my chest
To y'all I leave the rest
To y'all I leave the rest
Malinis at bakante na piraso ng sulatang retaso
Pinilas na lamang mula sa lumang kwaderno
Hahanap ng panulat na naghihingalo na sa tinta
Kahit di pa alam ang sasabihin sa pag umpisa
Naririnig ang musika nagsasalita ng mag-isa
Kasi di na maitago
Ang namumuong himig sa paligid
May gumugulong tinig na ibig
Kumawala sa kanyang pagka-ipit
Tulad ka ba ng batang nanaginip
Habang nakadilat sinisilip ang katotohanang pilit
Sinisikap maka-isip makabuluhan na hirit
Tinitigan mabuti pinipiga ang haligi ng kanyang utak
Di makasulat, nagsasalita ka ng wala namang kausap
Mga ulap, pag inabot ng gabi mga kulisap
Pakinggan mo ang mga kuliglig habang umaawit sa iyo ang kalikasan
Nanuyo na ang bibig sa gutom ay nalipasan
Di maiwasan
Mga linya sa malinis na papel na tila nambubuyo gusto
Mo ng punan hanggang dumungis at wala ng maitangis ang panulat mo husto
Naririndi ka na sa dami ng mga ideya na hindi mo maipahiwatig ng buo
Sa huli wala ka pa ring naumpisahan wala kang nasimulan kahit man lang titulo
As I lay my head down
and I put my pen away to rest
All the things are played now
I wanna know if I really did my best
As I take my out
And I say the last things off my chest
To y'all I leave the rest
To y'all I leave the rest
Sa ilang taon ay may ilang kahon na ng piraso ng papel ang pinagtatapon
Mga mata na nakatutok lamang sa kawalan ay ibinabaon
Ang sarili nakatanga na lang sa sulok na ang dapat na malaman ay tinatanong
Pa ng maigi ang pangarap na ang rurok maakyat ay magwaldas man ng ilang taon
Hanggang mawili ka sa lahat ng paghihirap bawat kalyo bawat sugat tinanggap
Mga hamong nagpamulat sa maghapong paggalugad ang lahat ay maluwag na hinarap
Bagaman ay di mapagkunwari madalas ay di napapakali
Ang laman lagi ng mga ngiti ay mga hikbi na nakakubli
Sa mga letra at sa mga salita sa bawat gera ay mga maralita
Ang nakarekta sa nagbabanggang tingga sa bawat tenga habang nagkakabisa
Nauulinigan ko ang bawat hinaing at ang bawat pag iyak
Sana yung nakuhang tignan mo naman ay ibahin hanngang sa makatiyak
Na muling makakabangon ang damdaming nasulasok sa usok na nalanghap sa paghinga
Sa huli ang mga baon kakayanin mabulabog sa tugatog masarap ba mag isa
Habang nakatingala sa iyo marami na puno ng nagsisidhing paghanga
Iniwanan nya ang lapis at papel, tumalikod dahil sa matitinding pangmamata.. At kaya..