Balang Araw-Jehramae
    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
歌词

Kung nasa’n ka man ‘wag kang mag-alala tuwina

Wala ka man sa ’king tabi ako’y masaya

Aking hihintayin muli nating pagkikita

Ngunit sa ngayo’y sarili ko muna

‘Di man tangan ang iyong kamay

Sa agos patuloy na sasabay

At ngayon na wala ka na

Sarili’y mas mamahalin pa

Malaya ka na

Malaya na tayong dalawa

‘Di na masasaktan ang pusong nagmamahal

Ngunit lubos na umaasa na balang araw

Sa pagpikit ng aking mata’y muli kang makasama

‘Di man ngayon

Kung kailan balak ng panahon

Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin

Aking tangan tuwina ang mga alaala

Ng kahapong kay tamis at kay saya

‘Di man tangan ang iyong kamay

Sa agos patuloy na sasabay

At ngayon na wala ka na

Sarili’y mas mamahalin pa

Malaya ka na

Malaya na tayong dalawa

‘Di na masasaktan ang pusong nagmamahal

Ngunit lubos na umaasa na balang araw

Sa pagpikit ng aking mata’y muli kang makasama

Muli kang makasama…

‘Di man ngayon

Kung kailan balak ng panahon

Lubos na aasa na balang araw

Muli kang makasama

展开显示全部歌词