
在手机上保存,获得更好体验
Napapansin ko na noon
Kapag kasama ka
Mayroong kislap sa ‘yong mga mata
Di mo itinago
Ang tunay mong damdamin para sa’kin
Pero ako sayo'y wala namang pagtingin
Chorus:
Hindi ko akalaing ganito ang madarama
Hindi ko akalaing ako’y mahuhulog na talaga
Sinabi ko noo’y kaibigan lang kita
Ngunit ‘di ko akalaing mahal na rin pala kita
Verse 2:
‘Di ka sumuko at nagpatuloy pa rin
Umaasang balang araw na baka maging tayo rin
Ngunit kahit ano pang gawin
Pag-ibig ko sayo’y wala pa rin
(Chorus)
Bridge:
Pa’no na ngayon?
Meron ka nang iba
Sana'y pwedeng turuan ang mga puso
Para tayo na lang dalawa
Ngunit pa’no kung hindi na rin?
Pa’no kung wala na rin?