Bintana - Repablikan
Lyrics by:Saleh Jacobs
Composed by:Abbubaker Makamu
Sa pagpikit ko ng mga
Mata handa ng managinip
Kasabay sa paglipad ng
Aking diwa ang pag-ihip
Ng hangin patungo sa
Lugar na kung saan maari
Kang hawakan at yakapin
'Kaw ang reyna ako ang hari
Ng kahariaan na sa
Pagdilat ko'y nawawala
Pilitin mang pigilin 'to
Wala akong nagagawa
Upang ang 'sang katulad
Mo na sa bintana sinisilip
Makasama makausap ng
Hindi na pinipilit
Dahil sa alam ko na
Mundo natin magkaiba
Sinusundo kana ng boyfriend
Mong ang kotse ay lima
At nagiba ang mundo
Ko mula nang di sinasadya
Magkabanggaan at nahulog
Kwintas mong pinasadya
Pa at kabibigay pa
Lamang ng boyfriend mong mayaman
Ngunit sa 'yong mata
Ay may lungkot na di malaman
Na pilit tinatago ng
Iyong mga pameme
Sana hindi lang sa
Bintana makikita kang muli
Hirap at sakit ay
Di alintana
Masilayan ka lang
Dun sa bintana
Lahat ay gagawin
Upang iyong malaman
Ang pagibig ko'y tunay
Walang alinlangan
Tila yata kapalaran na
Ang sa 'kin tumutulong
Nang hindi sinasadyang
Muli tayong magkasalubong
At labis kong kinagulat
Ng ako ay kausapin
Tila ang lahat ng tao'y
Nakatingin sa akin
Tayo'y naging magkaibigan
Sumbungan at sandalan
Ngunit lahat pala ng mga
Bagay may hangganan
Nang ikaw ay magpaalam na
D'on na maninirahan
Kung saan ang pagbalik mo
Ay malabo nang asahan
Gusto man kitang pigilan
Wala 'kong nagawa
Tila ang lahat ng sa 'kin
Ay biglaang nawala
At mula n'on sayo ay
Di na nagkaroon ng balita
Sana'y muli kang makita
Kahit man lang sa bintana
Mula nang nakilala ka
Hindi kana naalis sa aking isipan
Sana'y malaman mo ang tunay
Na nadarama ng puso ko para sa 'yo
Hirap at sakit ay
Di alintana
Masilayan ka lang
Dun sa bintana
Lahat ay gagawin
Upang iyong malaman
Ang pagibig ko'y tunay
Walang alinlangan
Alam mo bang ikaw lang
Ang aking mahal
Lahat ay gagawin upang
Iyong malaman
Nang ikaw ay dumating
Sa buhay kong ito
Muling umiikot ang aking mundo
Sa puso kong ito ikaw ang kailangan
Ang pagibig mo dahil
Minamahal kita
Hirap at sakit ay
Di alintana
Masilayan ka lang
Dun sa bintana
Lahat ay gagawin
Upang iyong malaman
Ang pagibig ko'y tunay
Walang alinlangan
Hirap at sakit ay
Di alintana
Masilayan ka lang
Dun sa bintana
Lahat ay gagawin
Upang iyong malaman
Ang pagibig ko'y tunay
Walang alinlangan