Tila ba’y nalulunod, kahit sa panaginip
Mga paa’y lumulubog kahit sa himpapawid
Kahit sa’n man tumingin, ‘di na mababawi
Ang lungkot na nahagip sa hangin
Kahit ang liwanag patuloy nang lumalayo
‘Di na maiwasang isipin na sumuko
Mundo’y umiikot, isip ay gumuguho
Ako ay nanghihina kada pagtibok ng puso
Isang daang mata ang nakatitig
‘Di mapigilang magtago’t magkunwari
Dalawang paa ko’y lumalayo
Kailan bang ‘di na mabibigo
Nakakahingal na pag-iisip, hindi mapigil
Ang pag-agos ng damdaming
Dala kahit paggising
Hinahanap ang sarili ako ay nakatitig
Sa salamin (sa salamin)
Sa salamin
Hindi makalabas, nawawala na ang sarili
Inaabot ang pag-agos ng hanging sumisilip
Bawat hapon, gabi-gabi nagbabakasakali
Na bumalik kahit sandali
Isang daang mata ang nakatitig
‘Di mapigilang magtago’t magkunwari
Dalawang paa ko’y lumalayo
Kailan bang ‘di na mabibigo