
在手机上保存,获得更好体验
Walang Kapalit (Girl Version) - Ayradel
Composed by:Ayradel
'Wag magtaka kung ako
Ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng
Inalay kong pag-ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa'yo'y
Ibibigay kahit 'di
Mo man pinapansin
'Wag mangamba
Hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit
Ng inalay kong pag-ibig
Sadyang ganito
Ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala
Hinanakit sa 'ki'y
Walang-wala
At kung hindi man
Dumating sa'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di
Ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
'Wag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin
'Wag mangamba hindi
Kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng
Inalay kong pag-ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala
Hinanakit sa 'ki'y
Walang-wala
At kung hindi man
Dumating sa'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di
Ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
'Wag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin