Paalam-Earl Famatiga

Paalam

歌手:Earl Famatiga

专辑:Paalam

时间:2022-07-29

    使用手机浏览器「扫一扫」

    在手机上保存,获得更好体验

标签
猜你喜欢的歌曲
歌词

Pagmasdan ang araw at buwan

Ay pinagtatagpo ng panahon

Ngunit 'di naglaon ay naghiwalay

Tulad ng paglubog ng araw

Sa kanluran ika'y ihahatid ng mga titig

Sa'yong nakatadhanang kanlungan

At muling pagtatagpo ng ating mga mata'y

Maramdaman mo sana ang pagmamahal

Na hindi na maibabalik

Natapos tayo ng 'di nagsisimula

Ba't gantong nangyari sa pag-ibig

Na inalay sa tulad mo

At gaya nga ng sinabi sayo

Maghihintay ako hanggang sa dulo

Ngunit 'di pipiliting piliin ako

At sa dulo ng kalsada kung sa'n

Tayo nagsimula, ako'y bababa't

Tatahakin ang daan ng mag-isa

At muling pagtatagpo ng ating mga mata'y

Maramdaman mo sana ang pagmamahal

Na hindi na maibabalik

Natapos tayo ng 'di nagsisimula

Ba't gantong nangyari sa pag-ibig

Na inalay sa tulad mo

Nagbago tayo, mula sa pagkakaibiga'y

Naging dayuhan sa paraisong

Ako lang ang bumubuo

At huling bahagi ng kwentong ito

Ang tanging magagawa ay masdan sa malayo

Itatanging ipikit ang aking mga mata

Saksi kung gaano kasaya

Kahit...

Natapos tayo ng 'di nagsisimula

Ba't gantong nangyari sa pag-ibig

Na inalay sa tulad mo

Nagbago tayo, mula sa pagkakaibiga'y

Naging dayuhan sa paraisong

Ako lang ang bumubuo

At sa huling pahina ng aklat na 'to

Ang panalangin ko, sana'y tumugma

Ikaw at ang minamahal mo

展开显示全部歌词